Home Headlines Covid-19 Bataan: Nakakarekober mas dumarami kaysa bagong kaso 

Covid-19 Bataan: Nakakarekober mas dumarami kaysa bagong kaso 

254
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Patuloy na dumarami ang bilang ng mga bagong nakakarekober sa coronavirus disease sa Bataan kaysa bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso upang unti-unting bumaba ang mga aktibong kaso.

Sa ulat ni Gov. Albert Garcia ngayong Huwebes, nagtala ang Bataan nitong Miyerkules ng 206 na bagong gumaling kumpara sa 90 bagong nagpositibo sa Covid–19.

Umakyat sa 25,404 ang mga nakarekober samantalang umabot sa 28,120 ang mga nagpositibo na ang 1,650 ay mga aktibong kaso.

Ang bilang ng namatay ay tumaas sa 1,066 matapos magtala ng walong bagong nasawi.

Nangunguna sa pagkakaroon ng mga bagong nakarekober ang Morong – 48,  na sinundan ng Dinalupihan – 44, Hermosa – 34, Balanga City – 32, Mariveles – 9, Samal – 9, Abucay – 7, Orani – 7, Orion – 6, Limay – 4, Bagac – 3, at Pilar – 3.

Sa mga bagong kumpirmadong kaso, nagtala ang Balanga City (29), Dinalupihan (29), Abucay (6), Mariveles (6), Orani (5), Limay (4), Hermosa (4), Orion (3), Pilar (3), at Bagac (1).

Kabilang sa mga bagong pumanaw sa Covid–19 ang 75-anyos na babae sa Bagac, 82-anyos at 63-anyos na babae sa Balanga City, 62-anyos na babae at 61-anyos na lalaki sa Dinalupihan, 71-anyos na lalaki sa Limay, 29-anyos na lalaki sa Morong, at 88-anyos na babae sa Pilar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here