Home Headlines Ciudad De Victoria Interchange bypass road binuksan na

Ciudad De Victoria Interchange bypass road binuksan na

702
0
SHARE

Ang ribbon cutting para sa inagurasyon ng Ciudad De Victoria interchange na pinangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar na dinaluhan din nina DPWH Senior Undersecretary Rafael Yabut, Assistant Secretary Wilfredo Mallari, Congressman Gavini Pancho, at Bocaue Mayor Jose Santiago Jr. Contributed photo


 

BOCAUE, Bulacan — Binuksan na sa publiko ang Ciudad De Victoria Interchange Bypass road project sa North Luzon Expressway matapos pangunahan ni Public Works Secretary Mark Villar ang inagurasyon nito Sabado.

Sa pagbubukas ng kalsada, inaasahan na makatutulong ito upang maiibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa MacArthur Highway at sa Gov. Halili sa Sta. Maria.

Ang nasabing interchange ay may habang 5.14km mula MacArthur Highway hanggang sa munisipyo ng Bocaue at apat na lane na umabot sa P501.5 million ang halaga ng kabuuang proyekto.

Dating umaabot sa isang oras ang byahe ng motorista ngunit ngayon ay 10 minutes na lamang.

Pinasasalamatan ng ahensya ang Department of Transpostation dahil sa pagpayag ng 30 metro na lapad na sakop ng Philippine National Railway.

Dahil sa pagbubukas ng interchange ay my option na ngayon ang mga motorista na magpupunta sa Philippine Arena.

Sa proyektong ito ay mapapabilis ang kalakalan at lalakas ang ekonomiya sa mga bayan na makikinabang sa daan

Samantala, ito na daw ang huling pagkakataon ni Secretary Villar para dumalo sa isang inagurasyon na proyekto ng DPWH.

Maghahain na daw kasi siya sa darating na linggo ng kanyang certificate of candidacy para sa halalan 2022.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here