Cityhood ng Mabalacat, pasado nang tiyak

    458
    0
    SHARE

    Kabuntot ng pagkapirma kay Pangulong
    Aquino, nitong R. A. 10164,
    Na nagdedeklarang ang Mabalacat town
    Ay isa ng component city sa ngayon

    Tiniyak ni Mayor Morales sa lahat
    Ang limang taong plasong di pagbabayad
    Ng local tax kahit pa ma’t maging ganap
    Na ngang isang lungsod itong Mabalacat

    Pero bagama’t yan ay pinirmahan na
    Ng Pangulo nitong Mayo a kinse pa,
    Depende pa rin sa magiging resulta
    Ng plebisito na ginaganap tuwina

    Sa alin mang bayang aprub maging siyudad
    Bago ang anumang dapat ipatupad,
    Gaya halimbawa nga ng Mabalacat
    Nang naa-ayon sa kalakarang batas

    Kung aprubado sa mga mamamayan
    Ang pagiging lungsod ng nasabing bayan,
    Na inaasahang lubos papaboran
    Ng nakararami sa puntong naturan.

    Kung saan pati si Congressman Lazatin
    Na siyang may akda nitong ‘cityhood bill’
    Hinihikayat na ang Barangay Captains
    To start for an early and massive campaign

    Na ang Mabalacat ay karapatdapat
    Nang mapabilang sa ibang naging siyudad,
    Na tunay naman ding kumpleto sa lahat
    Ng katangian o angkin nitong sangkap

    Para maisama sa kinikilalang
    Maunlad na lungsod sa kasalukuyan,
    Tulad ng City of San Fernando at ng
    Angeles City na asensadong tunay
     
    At kinakailangan na ring maging siyudad
    Itong Mabalacat na lubhang maunlad
    At maituturing na ring isang “Giant”
    ‘In terms of progress and something it also has. 

    (Na di kagaya riyan nitong labing anim
    Na naging lungsod na di malay sabihin
    Kung tunay ngang sila ay may kalsada rin
    At ang constituents n’yan ay mayrung kinse mil

    Na hanggang ngayon ay pinagtatalunan
    Sa Highest Tribunal ang legal stand n’yan
    Para maging lungsod, sa kadahilanang
    Sila ay kulang sa aspetong kailangan

    Sapagkat kung bakit yan ay naging siyudad
    Ay tunay naman ding malaking question mark?
    Na lubhang malayo sa sukatang antas,
    Kung ikumpara sa bayang Mabalacat

    Kaya nga’t kung itong naging lungsod na yan
    Na kapos sa lahat ng ‘terms’ na kailangan
    Ay ‘yes for cityhood’ ang mamamayan niyan,
    Ang Mabalacat pa ang di papaboran?

    Ng mga constituents ni Mayor Morales
    Na ya’y mapabilang na sa ‘League of Cities?’
    Of which would surely mean to amazing increase
    In local government’s IRA share it receives.                                      

    And cityhood would boost the capability
    Of the local government to primarily
    Deliver more basic services, not only,
    To local folk but to whom it may serve dearly.
     
    As it also assured by Mabalacat town
    Ever longest serving Municipal Mayor,
    Na kahit matapos itong moratorium
    Ay walang local tax na maisusulong

    Na bagong ordinance itong city council
    Sa susunod na panahon pang darating,
    Kung saan mayrun mang dagdag na sinigilin
    Ay minimal kaya di dagdag pasanin!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here