Si Mayor Pelayo ng bayang Candaba
Na ngayon ay bilang isang Kongresista
Ang puntirya sa 4th District ng Pampanga
Ay may mararating ang pagpursigi niya
Na maipanalo ang kanyang hangaring
Makapagsilbi sa ka-Distrito na rin
Mataposang ‘3 terms’ nito sa tungkulin
Bilang punong-bayan na napakagaling
Sa pagtupad nito ng ‘official duty’
At gampaning tunayna kapuri-puri
Para sa lahat ng kababayan pati
Na napagsilbihan niya ng mabuti.
At kung saan ganap na napatunayan
Ni Mayor ang taglay nitong kahusayan,
Pagdating sa puntong serbisyong pambayan
At pamamalakad ang pag-uusapan.
Sanhi na rin nitong sa lahat na yata
Ng naging Mayor sa Candaba ay wala
Siyang makatulad sa mga nagawa
Niya bilang punong tagapangasiwa
Sa bahaing lugar at parating lubog
Kapag tag-ulan o pagdating ng unos;
Kasi maagap at madaling kumilos
At talaga naman ding may kusang-loob
Gumawa ng bagay na sadyang marapat
Para sa kapakinabangan ng lahat,
Kaya naman hayan ating mamalas
Sa kanila ang mabilis na pag-unlad.
Saan ka makakakita sa Pampanga
Na ang munisipyo umano’y tatlo ba?
Kung kaya ang ‘peace & order’ sa Candaba
Ay napapangalagaan sa tuwina.
Sa unang taon n’yanng panunungkulan,
Nagawa niyang makapagtipid ng hanggang
Dose milyones na kanyang inilaan
Sa infrastura at mga ‘service vehicles’
Kasama sa ibang ‘accomplishments’ niya,
Isa ang ‘conversion’ ng bayang Candaba
‘Into a 1st class town’s recognition’, saka
Ang pagkatatag ng ‘action center’ nila
At bilang pagsunod sa tinatawag na
Alituntuning ang lider dili’t iba
Itong ‘by example’ ang dapat manguna,
Naging ‘accessible’ ang tanggapan niya
Sa lahat – kung kaya anumang hinaing
Ng mga kabalen nabibigyang pansin,
Di gaya ng ibang opisyal pa mandin
Na di makapa sa oras ng tungkulin.
Kabilang sa ilang lubhang mahalaga
Na panukalang batas na naipasa
Ng municipal council sa panahon niya
Ay isa ang ‘Local Revenue Code’ nila
At ang pag-iral ng ‘computerization’
Sa lahat ng records, mula ‘receivables,
Payables, tax payments & other collections’
Ng ‘Treasurer’s office’ sa buong maghapon.
At isa sa mahigpit na pinairal
Ni Mayor sa ating mga kapulisan
Ay itong kung sila ay naka-sibilyan,
Bawal magdala ng anumang armas yan.
Uminom, magsugal, sa oras ng ‘duty’
Ay bawal na bawal din kay Mayor Jerry,
Kung kaya marahil sa Municipality
Of Candaba lagi ng ‘peaceful’ parati;
At yan ay bunsod ng pagiging aktibo
Sa mga gampanin ni Mayor Pelayo
Bilang town’s Dad nitong mga Candabeño
Na may malasakit sa ‘constituents’ nito!