Home Headlines Bulacan-Pampanga boundary checkpoint mahigpit pa rin dahil sa magkaibang alert level

Bulacan-Pampanga boundary checkpoint mahigpit pa rin dahil sa magkaibang alert level

1303
0
SHARE

Checkpoint ng pulisya sa boundary ng Bulacan at Pampanga. Kuha ni Rommel Ramos 


 

APALIT, Pampanga – Bagama’t isasailalim na sa ika-1 ng Pebrero ang Bulacan sa Alert Level 2 ay mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng boundary checkpoint sa pagitan ng Bulacan at Pampanga dahil mananatili pa rin sa Alert Level 3 ang huli.

Sinabi ng Pampanga police na walang pagbabago sa checkpoint ng pulisya sa boundary ng dalawang lalawigan.

Ayon kay Lt. Arnel Fronda, deputy for operation ng Apalit police, patuloy nilang hahanapan ng vaccination card ang lahat ng motorista o pasaherong papasok sa Pampanga.

Imo-monitor din ang social distancing ng mga pasahero sa loob ng mga sasakyan.

Samantala, ayon sa pinakahuling ulat ng Pampanga Public Information Office, nasa 33,216 na ang kabuuang naaresto dahil sa hindi pagsusuot ng face mask, at paglabag sa curfew at liquor ban.

Sa kasalukuyan ay pumalo na sa 73,699 ang kabuuang kaso ng Covid-19 dito kung saan ay 66,192 na ang gumaling 2,836 na ang namatay at 4,671 pa ang active cases.

Samantalang sa pinakahuling ulat naman ng Bulacan Provincial Health Office ay umakyat na sa 107,149 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa lalawigan kung saan ay 101,109 na ang recovered, 1,522 ang namatay at 4,518 ang hindi pa gumagaling.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here