Bugaw arestado sa Nueva Ecija

    354
    0
    SHARE

    SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Bumagsak sa kamay ng batas ang isang lalaki matapos umanong ibugaw ang isang 14-taong-gulang na dalagita sa isang kostumer nitong Miyerkules.

    Ang suspek ay nakilalang si Michael Justine Valerio, 21, resident ng Barangay San Anton ng bayang ito.

    Ayon kay Chief Insp. Renato Morales, hepe ng pulisya, nasagip ng pulisya ang biktima na residente ng San Jose Del Monte, Bulacan at nagta-trabaho bilang guest relation officer sa Dos Uno Resto Bar na nasa Barangay Mambangnan ng bayang ito.

    Isinagawa ng entrapment operation laban sa suspek dahil sa reklamo ng kaanak ng biktima hanggang sa naaresto ang suspek sa loob ng isang motel dito bandang alas 8:30 ng gabi, ani Morales.

    Nahaharap ngayon sa kasong paglabag saa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act si Valerio samantalang ang biktima ay nasa pangangalaga ng municipal social welfare and development.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here