Home Headlines Bataan ginawaran ng pagkilala sa coastal management

Bataan ginawaran ng pagkilala sa coastal management

4102
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Ang lalawigan ng Bataan ay ginawaran ng pagkilala sa larangan ng maayos na pangangalaga sa mga coastal areas, pahayag ni Gov. Albert Garcia ngayong Biyernes.

Natanggap ng lalawigan noong isang araw anIntegrated Coastal Management System (ICMS) Level 2 certification sa ginanap na Partnerships in Environment Management for the Seas of East Asia (PEMSEA) Network of Local Governments.

Ipinaliwanag ng governor na ang Level 2 ay ang transformation level kung saan ang provincial government ay nakabuo ng maayos na proseso patungkol sa mga usapin, proyekto at polisiya sa pangangalaga ng kapaligiran na naaayon sa mga alitintunin ng Integrated Coastal Management Code.

Ito, aniya, ay naisakatuparan sa pangunguna ng provincial governmentenvironment and natural resources office.

Sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap, patuloy ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga ganitong programa lalo na pagdating sa ating mga baybayin upang mapanatiling ligtas at malinis ang ating bayan para sa mga susunod na henerasyon,” sabi ni Garcia.

Makaaasa kayo na sa ating mga hakbang upang mabalanse ang kaligtasan at kabuhayan ng mga mamamayan sa pagtahak sa tinatawag na ‘new normal’, hindi natin isinasaisang tabi ang pangangalaga sa ating kapaligiran at mga likas na yaman,” dagdag pa ng governor.

Ang pakikiisa at pagtalima, ani Garcia, sa mga tagubilin ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 gayundin sa adhikaing ito ay malaking bagay upang makamit ang nilalayong maunlad na lalawigan.

Ang Bataan na isang peninsula ay binubuo ng 11 bayan at isang lungsod na tanging isang bayan lamang, ang Dinalupihan, ang land-locked at walang coastal area.

Ang Bagac at Morong ay malapit sa West Philippines Sea samantalang ang Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay, at Mariveles ay nasa tabi ng Manila Bay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here