Home Headlines Bataan: 6 araw nang walang namamatay sa Covid 

Bataan: 6 araw nang walang namamatay sa Covid 

533
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Pang-anim na araw na noong Martes na walang nadadagdag sa listahan ng mga namamatay sa coronavirus disease sa Bataan kaya ang kabuuang bilang ay nananatili sa 1,206, ulat ng provincial health office nitong Miyerkules.

Nagsimulang walang nasasawi sa Covid–19 sa lalawigan simula noong Huwebes, ika-9 ng Disyembre.

Patuloy na bumababa naman ang bilang ng mga aktibong kaso na sa huling ulat ay 52. Ang bayan ng Morong ay zero active case sa pangalawang araw na.

Sa kasalukuyan 29,495 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa Bataan matapos magtala ng apat na bagong kumpirmadong kaso na tig-isa mula sa Dinalupihan, Hermosa, Mariveles, at Orani.

Labing-dalawa ang mga bagong gumaling na nagpataas sa kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 28,237.

Ang mga bagong nakarekober sa Covid – 19 ay mula sa Hermosa – 4, Samal – 2, Dinalupihan – 2, Abucay – 1, Mariveles – 1, Orani – 1, at Orion – 1.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here