Home Headlines Barilan sa checkpoint: Kagawad patay, tanod sugatan

Barilan sa checkpoint: Kagawad patay, tanod sugatan

312
0
SHARE

Ang bangkay ni kagawad Aspile habang pinoproseso ng SOCO. Larawang padala ng SJDM Police



LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Patay ang isang kagawad
at sugatan naman ang isang tanod matapos pagbabarilin ang mga ito habang nagbabantay sa checkpoint sa Citrus Road, Barangay Citrus Martes ng madaling araw.

Nakilala ang napatay na si barangay kagawad Arnel Aspile, 57, may-asawa, at residente ng Barangay Citrus, habang ang sugatan naman ay si Samuel Abas, 45, isang barangay police safety officer.

Ayon kay PSMSgt. Christopher Vicente, investigator, dumating ang apat na salarin sa checkpoint at makailang ulit na binaril si kagawad habang tinamaan naman sa kanang hita si Abas.

Ang mga salarin na mga nakasuot ng bonet ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

Agad na isinugod sa pagamutan si Abas, samantalang deadonthespot naman si Aspile.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na ang kagawad ay nakatatanggap daw ng banta sa buhay simula nang pumasok ito sa pulitika at naaresto din noong 2016 sa mga kasong illegal possession ofirearms at violation of R.A 9165 o may kinalaman sa kasong ilegal na droga.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here