Barbie Forteza, Miguel Tanfelix may itinatagong relasyon?

    664
    0
    SHARE

    Tinanong si Miguel Tanfelix kung bakit nali-link sila ni Barbie Forteza.

    “Hindi naman po kami nagkakasama so parang bakit po kami?” bungad niya nang makatsikahan siya. Nagkikita kayo sa ‘Sunday All Stars’?

    “SAS lang po pero ..kami ni Bianca (Umali) halos araw-araw kaming magkasama. kami ni Barbie halos isang araw lang (magkasama).”.

    Pero bakit kay Barbie siya nali-link? “’Yun nga po, hindi ko alam ang sinasabi nila,” pagdi-deny ng bagets actor.

    Nanligaw ba siya kay Barbie? “Dati po sa ‘Paroa,’ sweet-sweetan. Parang nagkaroon kami ng sweet-sweetan sa Twitter. Hi, good morning parang ganoon,” pagtatapat niya.

    Ang sabi ni Barbie, meron siyang inspirasyon ngayon pero hindi pa umaabot sa seryosohang relasyon, siya ba ‘yun?

    “Hindi ko po alam kung ako ba ‘yun?” tanggi niya “Basta ako, laging inspired. Katulad po nu’ng sinabi ko sa presscon ng Nino. na kaya ko binigyan ng flower si Bianca dahil ini-inspire niya ako araw-araw.”

    Kung bibigyan siya ng pagkakataon, sino ang liligawan niya, si Barbie o si Bianca? “Siguro si Bianca, dahil feeling ko mas makakabuti ‘yun sa love team namin.”sagot niya Kung puso ang paiiralin niya at hindi ‘yung dahil loveteam sila ni Bianca, sino talaga ang liligawan niya?

    “Ewan ko kasi nga po busy ako sa work, di ba? So, ‘yung konting time na ibibigay ko sa sarili ko, sa family ko ba’t ko pa iaano sa… Basta ngayon, hindi pa ako ready,” sey pa niya.

    Ano ang statement niya na binabawalan lang daw silang umamin ni Barbie dahil nakakaapekto sa kani-kanilang love team? “Ewan ko po. Wala naman po akong aaminin kung wala talaga,”mabilis niyang sagot.

    Samantala. very vocal si Miguel sa pagsasabing crush niya si Marian Rivera. Sa isa sa mga episodes ng Marian, na guest siya ay ang sweet nito sa kanya. Mukhang kinilig ito sa kanya.. “Siyempre, kinikilig po dahil crush ko rin po si Marian,” sambit niya

    Ano ang feeling nu’ng malaman niyang crush din siya ni Marian? “Nu’ng una, hindi po ako makapaniwala. Kinilig ako. Grabe, siyempre nakakatuwa, nakaka-inspire dahil hinahangaan ka ng isang big star so, pupursigihin mo pa ‘yung best mo,” sey pa niya.

    Pero mag-aasawa na si Marian, magbabago ba ang crush niya? “Hindi naman po. Wala namang masama sa paghanga. Hinahangaan ko lang naman siya,” tugon pa niya. Okey lang din ba sa kanya kung paglihian siya ni Marian? Payag ba siya kung pagsamahin sila ni Marian sa isang project na ‘May-December love affair” ang istorya?

    “Para sa akin okey lang po dahil crush ko nga. Mai-inspire ka na ka-love team mo ‘yung crush mo,” tugon niya. Pero depende raw sa management kung papayag sila na may kissing scene sila. “Para sa akin, kung hindi naman makakasira sa image ko, e di go lang,” deklara niya.

    Ano naman ang ginagawa niya para makalimutan na ang acting niya sa ‘Nino’ (mentally-challenged role)? “Ah, simula pa nu’ng mag-start ‘yung ‘Nino’ parang inisip ko siya agad kung paano siya tatanggalin.

    So, para sa akin, hindi na po siya naging mahirap na tanggalin sa sarili ko si Nino “Kaya ngayon, hindi na po masyadong nag-struggle na matanggal ‘yung pagkabulol ko. Una pa lang inisip ko na dapat matanggal ito kaagad dahil hindi naman ako si Nino,”pagwawakas ng young actor.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here