Banga food fest sa Balanga sinimulan na

    350
    0
    SHARE
    BALANGA CITY -Mala-pista nang buksan ang Banga Food Festival sa Plaza Mayor ng lungsod na ito sa Bataan Miyerkules ng takip-silim.

    Matapos ang ribbon-cutting at blessing ng pari, tumugtog ang banda na binubuo ng mga kabataang mag-aaral sa elementarya, umawit ang mga batang katutubong Aeta at nagpamalas ng iba-ibang folk dance ang ilang piling mag-aaral sa high school.

    Nakapalibot sa Plaza Mayor ang improvised tent na may kulay asul na bubungan na ginawang tindahan ng mga lutong ulam, kalamay, processed food at maging mga sariwang gulay at prutas.

    Nakapaligid naman sa mga tent ang tatlongmatataas na gusali at cityhall na ang façade ay iisa ang kulay ganoon din ang St. Joseph Cathedral.

    Sari-saring ulam na umano’y lutong-bahay na iniluto sa palayok o nakasilid sa mga palayok tulad ng pinangat na isda ang pinagkakaguluhan ng maraming mamimili.

    Merong mga kalamay, cakes, processed food tulad ng kasuy, crispy dilis, gourmet tuyo at sauted shrimp; veggie noodles, chicharon na gawa sa kabute at maging ice cream na mabiling- mabili dahil sa init ng panahon.

    May okoy, atsara, halaya at maging sariwang gulay at prutas, buko at iba pa.

    Tatagal ang food festival hanggang sa Abril 30. Proyekto ito ni City Mayor Jose Enrique Garcia III.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here