Home Headlines Bagong opisyales ng PACC itinalaga ni Duterte

Bagong opisyales ng PACC itinalaga ni Duterte

2111
0
SHARE

Panunumpa ng bagong PAC officials kay Pangulong Duterte. Kuha mula kay Greco Belgica


 

LUNGSOD NG MAYNILA —- Nanumpa na kay Pangulong Duterte ang tatlong bagong talagang opisyales ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nitong Miyerkules ay itinalaga bilang chairman ng PACC ang dating executive director nito na si retired PNP General Atty. Fortunato Guerrero.

Si Atty. Baldr Bringas na dating chief of staff ni former PACC chairman Greco Belgica ay naitalaga na commissioner.

Habang ang dating director for investigation na si Atty. Irene Chiu ang itinalaga na executive director ngayon ng komisyon.

Mismong kay Pangulong Duterte sa Malacañang nitong Miyerkules sabayang nanumpa ang mga bagong talagang opisyales.

Ayon kay Guerrero, inatasan sila ng pangulo na gawin ng ahensya ang tama kahit sino pa ang inirereklamong sangkot sa korapsyon.

Samantala, nagpa-abot rin ng pagbati sa mga bagong talagang PACC officials si Senator Bong Go at Belgica na tumatakbo ngayon sa pagka-senador.

Ani Belgica, umaasa siyang ipagpapatuloy ng bagong pamunuan PACC ang kanilang mga nasimulang anti-corruption programs partikular ang Project Kasangga: Tokhang Kontra Korapsyon kung saan ay naitatag na ang mga National Anti-Corruption Coordinating Council sa 49 na mga ahensya mula sa executive department para sa mas malawakang kampanya ng administrasyong Duterte na labanan ang katiwalian.

Ani Belgica, ito ang whole-of-nation approach ng administrasyong Duterte para sa mas malakas na paglaban sa kurapsyon na ipinangako na wawakasan ng admininiatrasying Duterte hanggang sa huling araw ng termino nito.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here