Bagong BF ni Jasmine, mas tanggap ni Anne

    463
    0
    SHARE
    NON-SHOWBIZ ang bagong guy na nauugnay sa nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith na nagngangalang Jeff Ortega na nagmula sa isang angkan ng mga pulitiko sa Norte.

    Base sa post na litrato sa Instagram ni Anne, kasama si Jeff sa welcome dinner para sa brother nina Anne at Jasmine na si Thomas James.

    Unlike noon sa ex-boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion, tanggap ni Anne at ng kanyang pamilya si Jeff na siya umanong bagong nagpapasaya ngayon kay Jasmine, isa sa tatlong leading ladies ni Richard Gutierrez sa telefantasyang “Ang Panday.”

    Samantala, dahil sa paglabas ng family dinner picture nina Anne at Jasmine kasama ang kanilang mommy, kapatid na si Thomas James at Jeff, tila nawalan na ng pag-asa ang mga tagahanga nina Jasmine at Sam na muling magkabalikan ang dalawa.

    Sina Jasmine at Sam ay pormal na nagkahiwalay in January 2015 pero as early as the last quarter of 2014 ay nagkakalabuan na umano ang dalawa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here