Bading ba kapuwa sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros?

    172
    0
    SHARE

    Napakahusay kasing magbakla-baklaan pareho nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, kapuwa mainstay sa Eat Bulaga.  Hindi mo talaga mahahalata na mistulang mga babae kung kumilos sila. At si Paolo, at home na talaga sa bakla role and in fact, di na siya nabigyan ng role na panlalaki.

    Pero ayon kay Wally, di naman siya bakla. May asawa raw siyang tao at may mga anak pa. Natatawa lang daw si Wally Bayola kapag pinagdududahan ang gender niya ng mga kasama sa show.

    Minsan, isinama siya ni Allan K sa isang gay bar at binigyan pa ng libro kung saan nandoon ang mga kalalakihan na naka-display ang mga machong katawan.

    “Tiningnan ko naman at sinabi sa sarili, ano gagawin ko dito? Hinayaan ko na lang si Allan. Doon lang talaga napagtanto niya na hindi ako bading, hahaha!” kuwento ni Wally.

    Pero inamin ni Wally, apektado ang kanyang mga anak kapag sinasabihan siyang bading.  Ask namin sa kanya kung ano talaga ang tingin niya kay Paolo Bal-lesteros?

    Smell daw niya, positive, na sinabayan ng tawa.

    “Sa tuwing magkasama kasi kami sa segment namin sa Eat Bulaga, ako ang madalas makakita ng guwapo at itinuturo ko kay Paolo. Tawag nga niya (Paolo) sa akin ay girl. Ako naman Paolo ang tawag ko sa kanya.

    Pero kapag ang anak niya ang napag-uusapan, napapaiyak si Paolo. Talagang mahal na mahal niya ang kanyang anak,” tsika ni Wally.

    Eh, sa tanong kung ano ba talaga ang tingin niya kay Paolo?  Napatawa ito ng malakas sabay sabing: “Ako rin naguguluhan. Kayo na lang ang tumuklas, hahaha!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here