Home Headlines Ayuda sa pag-aaral mula sa kalakal

Ayuda sa pag-aaral mula sa kalakal

2337
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Dahil sa mga kalakal na naiipon sa anim na material recovery facilities (MRF) ng isang barangay sa lungsod na ito ay nagagawa nitong makapagbigay ng educational assistance para sa mga estudyante sa kolehiyo.

Ayon kay Barangay Pagas chairman Christopher Lee, nitong nakaraang taon ay umabot sa 130 estudyante sa kolehiyo ang nabahaginan ng tig-P1,000 suporta mula sa pinagbilhan ng mga plastic na kanilang naipon.

Paliwanag ni Lee, kusang loob ibinibigay ng kanilang mga kabarangay ang mga plastic at iba pang recyclable materials sa halip na ikalat o itapon sa basurahan.

Iniipon naman ito ng barangay at ipinagbibili upang ilaan sa educational assistance ng mga nag-aaral sa kolehiyo na kabarangay.

“Kusa pong dinadala sa amin ng aming mga kabarangay sa halip na itapon at maging problema sa kapaligiran,” pahayag ni Lee.

Dahil dito ay kapansin-pansin na tanging residual waste na lamang ang hinahakot ng mga garbage truck mula sa kanilang barangay.

Samantala, nitong pasukan ay namahagi na rin ang ang sangguniang barangay ng may 375 na mga libreng bag, notebook, papel at iba pang gamit sa lahat ng mag-aaral ng Pagas Elementary School.

Kapansin-pansin na walang pangalan ng pulitiko sa ipinamahaging kagamitan sa halip ay emergency hotline ng barangay.

Ito na amg ikaanim na pagkakataon na isinakatuparan ng barangay ang naturang proyekto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here