Home Headlines AYON KAY JV EJERCITOPondo ng PhilHealth na-divert sa barangay health stations

AYON KAY JV EJERCITO
Pondo ng PhilHealth na-divert sa barangay health stations

673
0
SHARE

MARILAO, Bulacan – Ang may P10.6 billion na nawawalang pondo para sa PhilHealth ay maaaring na-divert at napunta sa mga proyektong barangay health station ni dating Health Sec. Janet Garin.

Ito ang pangamba ni Sen. JV Ejercito patungkol sa ginagawang imbestigasyon ng Senado tungkol sa umano’y ma-anomalyang proyekto dahil may kahalintulad na halaga ng salapi na napunta rito at may mga dokumentong sinulat si Garin na humihiling sa Department of Budget and Management na mai-release ang P10.6 billion.

Aniya nanghihinayang siya dahil maganda sana ang proyekto at nasa 5,000 rural health station ang ilalagay sa mga liblib na pook subalit nagkaroon ng poor planning at poor execution ang implementation.

Sabi pa ni Ejercito ang nais lamang ng nakaraang administrasyon ay mailabas lamang ang pondo dahil hindi dumaan sa masusing pag-aaral ang nasabing proyekto o programa.

Dagdag pa niya, kaya nagkabulilyaso dito ay dahil mas pinrayoridad na mailabas ang pondo at sinasabi pa ng kontraktor pag pumupunta sa mga lugar ay hindi ito alam ng lokal na pamahalaan maging sa barangay na may gayong proyekto sa kanilang lugar.

Bago sana aniya gawin ang proyekto ay kinakailangang may proof of ownership ang lupa at sana kinonsulta ang mga administrador o kapitan ng mga lugar na pagtatayuan ng nasabing proyekto.

Bagamat P2 billion pa lamang ang nailalabas mula sa P10.6 billion na pondo ay nalulungkot ang senador dahil nalustay na naman aniya ang malaking halaga para sa proyekto.

Aniya, maaring may kutsabahan dito dahil bago makapagbayad ang ahensiya ay kinakailangang may rekomendasyon at beripikasyon bilang proseso.

Ayon aniya sa accomplishment report ng JBros Construction, 420 units na ang nagawa ngunit sa ulat ng task force na binuo ni Health Sec. Francisco Duque ay nasa 270 lamang ito, kung kayat mayroong 150 na nawawala.

Kailangan aniya na may makasuhan dito upang hindi na muling maulit dahil wala nang takot ang mga taong gobyerno maging ang mga kontratista at nilinaw rin niya na dapat pa yatang may makulong dahil sa wala ng takot sa paglulustay ng pera ng bayan.

Ayon sa senador, maganda sana ang layunin ng proyekto ngunit iba ang intensyon at pakiramdam niya ay kaya minamadali na mailabas ang pondo kayat nagkakaroon ng bulilyasuhan.

Kagaya aniya ng pondo sa Dengvaxia na minadali kaya nagkaroon ng malaking problema.

Maliwanag aniya na minadali ito at inilabas ang pondo ilang buwan bago maghalalan noong 2016 kagaya ng ginawa ng paglalabas ng pondo sa Dengvaxia.

Inaasahan niya na tatagal na lamang ng isang linggo ang ginagawang imbestigasyon ng kaniyang kumite para dito.

Pakay aniya ng kanilang imbestigasyon na huwag ng maulit ang ganitong maling paglulustay ng pera at may posibilidad din na dito ay pumasok na ang Blue Ribbon committee dahil sa accountability nito.

Ani Ejercito, marami pang problema ang PhilHealth kaya sila nagkaroon ng dalawang pagdinig kaya nga sana ay magkaroon ng head ang Philhealth na financial experts upang maiayos ang pera ng ahensya dahil dito nagsimula sa P10 billion na hinahanap nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here