Home Headlines Architect patay sa pamamaril 

Architect patay sa pamamaril 

523
0
SHARE

Tadtad sa tama ng bala ang kotse ng biktima. Kuha ni Ernie Esconde


 

ABUCAY, Bataan – Pinagbabaril at napatay ng dalawang hindi pa kilalang lalaki ang operations manager ng ginagawang malaking subdivision sa bayang ito Martes ng gabi.

Kinilala ni Abucay police chief Major Leopoldo Estorque, Jr.  ang biktima na si Architect Jaime Franciso, 45, tubong Metro Manila at nakatira sa Abucay Residences, isang subidivision sa Sitio Malaking Bato ng Barangay Mabatang.

Tadtad ng tama ng bala ng baril ng hindi pa matukoy na kalibre ang kaliwang bahagi ng kotseng minamaneho ng biktima.

Napag-alaman na galing sa isang mall sa Balanga City ang biktima bandang alas-8 ng gabi at malapit na sa guard house ng subidivison nang paulanan ng putok ng dalawang lalaking sakay ng isang lumang commuter van.

Bagama’t sugatan, nadala pa rin ng biktima ang sasakyan sa loob ng subidivision ngunit binawian din ng buhay ito.

Ang mga salarin ay agad namang tumakas sakay ng van na may plakang WUJ 740, sabi ng pulisya.

Sinabi ng ilang malapit sa pinangyarihan ng pamamaril na tumangging humarap sa camera na marami silang putok na narinig at sinagilahan sila ng matinding takot habang nagkukubli.

Sa report ni Estorque kay Col. Joel Tampis, Bataan police director, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here