Arbor Day ipinagdiwang sa Zambales

    523
    0
    SHARE

    SAN FELIPE, Zambales —Ipinagdiwang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), municipal at barangay officials ang Arbor Day kasabay ng launching ng San Felipe Green Factory.

    Ito y may temang: “Plant, Take Care and Preserve a Tree-Today and Everybody!” Ayon kay San Felipe Mayor Caroline Farinas, nauna nang sinimulan sa pagtatanin ng punong kahoy bilang “pilot project” ang mga barangay ng Rosete, Cassava, Maloma, Malunggay, Manglicmot at iba pang barangay.

    Tinanghal naman bilang Best Sanitation Practice ang Barangay Maloma, Casava at iba pang barangay ang siyang nauna nang nagtanim ng mga puno. Dugtong pa ng alkalde na sa papamagitan ng paglulunsad ng Green Factory mahihikayat ang mga kabarangay na magtanim sa mga bakuran at maitanim sa isip at puso ang kahalagahan ng pagtatanim hindi lang sa kapaligiran kundi sa sari-sariling mga bakuran.

    Sinabi naman ni CENRO Marife Castillo na ang pagtatanim ng puno ay bahagi ng Greening Program ng Pangulong Aquino na makapagtanim ng 1.5 million puno bago matapos ang 2015.

    Pinasalamatan din ni Castillo, ang mga estudyante, PNP, local government units at mga barangay volunteers na nakiisa sa pagtatanim ng may 2,600 seedlings ng talisay, acacia auri, agoho sa may limang ektaryang lupain malapt sa baybayin ng Barangay Sto. Nino, San Felipe, Zambales.

    Kaugnay nito aabot naman sa 1,500 mahogany at ipil-ipil ang itinanim sa gilid kalsada sa Barangay Rabanes, San Rafael, Sta Fe pawang sa bayan ng San Marcelino, Zambales.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here