Angelica P, Derek Ramsay isang buwan nang hiwalay

    298
    0
    SHARE
    One month na palang hindi nagkakasama ang mag-sweetheart na sina Angelica at Derek Ramsay. Say nga ng young actress kahapon sa presscon ng Here Comes The Bride, nasa-sad na nga raw siya.

     “Ang dami kasing trabaho, tinapos niya ‘yung Habang May Buhay tapos ako naman, may Ruby, so, padalaw-dalaw na lang sa taping,” say niya.

     Kaya naman super-looking forward siya sa bakasyon nila ni Derek sa June. Magtutungo sila sa Africa at one month din silang mawawala. Say nga niya, two years ago pa nila pina-block-off ang naturang date which means ganu’n katagal na talaga pinaplano ang bakasyon.

    “Then, finally, last year, nagpaalam na kami (sa ABS-CBN) and pinayagan naman kami kasi ang tagal na nga ng advance.”

    Nakaplano na nga raw ang mga activities na gagawin nila sa Africa at super-excited na siya. Anyway, matatandaang kamakailan lang ay na-involve si Angel at Derek sa isang controversy kung saan ay lumabas ang mga private photos nila habang  nasa Boracay.

    Nag-issue na ng statement tungkol dito si Derek pero kahapon ay hindi pa rin naiwasang hindi ito maitanong kay Angel. Naapektuhan ba siya ng naturang issue?

    “Hindi naman, gusto nilang ilabas ‘yun, eh.”

    Ano ang initial reaction niya nang lumabas ang larawan?

    “Taray!”

    Ayon kay Angel, ang pamilya niya ang talagang napikon sa pangyayari pero kung siya ang tatanungin, alam niyang part ng trabaho niya ang mga ganitong issues.

    Bakit hindi na siya magdedemanda?

    “Bakit naman ako magdedemanda?” balik-tanong niya. “Hindi na, di pinasikat ko lang sila,” ang say niya.

    Alam ba niyang may 20 pictures pang hawak ang publikasyon at anytime ay pwedeng ilabas ng mga ito?

    “Oo nga, eh, ang dami, gusto nila, bigyan ko na lang sila,” natatawa niyang sabi.

    Alam ba nila kung sino ang naglabas sa media ng nasabing mga larawan?

    “Ayaw naman naming magpin-point, ayaw naming paliitin ang mundo naming, ayaw naming ng galit, so, kung may naglabas, kunsensiya na nila ‘yun.”

    Pero aminado si Angel na talagang natuwa naman siya sa boyfriend na talagang namang idinepensa agad siya nang lumabas ang larawan.

    “Siyempre, nakaka-impress naman ‘yun bilang nakita mo kung gaano siya ka-gentleman sa mga ganun’g aspeto.”


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here