Home Opinion Ang salbahe ipatapon, walang ganyan sa San Simon

Ang salbahe ipatapon,
walang ganyan sa San Simon

344
0
SHARE

WALANG duda na ang ginawang pagsumbong
kay Erwin Tulfo ng mga minaltratong
empleyado sa Real Steel Corporation,
laban sa may-ari ‘talk of the town’ ngayon.

At nabigyan pati ng matamang pansin
ang sa otoridad nakarating na rin,
partikular na r’yan kay Mayor marahil,
gayon din naman sa kapulisan natin.

Ang hinggil sa hindi pinasasahod n’yan
ng tama, at sila’y di pinapayagang
umuwi o kaya makalabas man lang
sa pabrika, sa di malamang dahilan.

At masahol pa sa sila ay bilanggo
sa loob, kung saan kapagka-tinoyo
ang Intsik na amo, ginagawang laro –
itong hindi dapat gawin kahit biro.

Tama ba ang ginagawang pananakit
n’yan sa mapag-tripang gawin niyang target,
base sa sumbong kay Tulfo ng kwenta ‘head
of an employment firm that supplies him workers?’

Makatuwaan lang ang isang empleyado
ay pinabubugbog din ng tarantado,
sa sira ulo rin na katulad nito
na sunud-sunuran sa utos ng amo?

Ang ganyang tahasang pagyurak sa dangal
at pagkatao ng mga manggagawang
animo ay mga alipin ng hangal
na Intsik na ito di dapat hayaan.

Hindi komo siya’y nag-abot ng tulong
pinansyal o ‘in kind’ dito sa San Simon,
magawa na niyang sa tungki ng ilong
ng ating Alkalde ang maging ganoon!

Okey bang pati na ating mga pulis
ay di papasukin nang mag-‘conduct’ ng raid
sa ‘steel smelting plant’ ng ating ‘subject,
just to ask him about the complaint of  workers?’

Bagkus sila ay kanyang pinagtabuyan
at binalaan na sila’y kakasuhan?
Gayong wala namang bagay na iligal
na ginawa itong maykapangyarihan.​

Sana, itong ating kwenta Ama’t Ina
pati na rin itong kapwa halal nila,
gawan ng pangmadaliang paghusga
ang ganitong bagay nang nagkakaisa.

Sa paraang legal at hindi palihim
na pagkastigo sa gawang di magaling
ng Intsik na ito (at ibang ganyan din),
nang di mamihasa ‘yan dito sa atin.

At upang ang tulad ng Intsik na itong
asa mo ay hari dito sa Simon,
nang di pamarisan ng iba pang gunggong
bago ipa- ‘deport’ ating ipakulong.

Matapos ang isa o dalawang buwan
dalhin sa Maynila, sa Pasig idaan;
isakay sa bangka’t biglang itulak yan
upang makatikim ng tubig imburnal.

At dito sa Ilog Pasig ilubog siya
hanggang sa halos mapugto ang hininga,
upang magtanda ng husto’t malaman niya
na dito pa lamang ay may Impyerno na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here