Pasko’y nasa SM, Galleria’t Tutuban,
Trinoma at Greenhills, Greenbelt, pati Rustan’s.
Hugos ang bilihan, wala nang tawaran,
Makabili lamang ng mithing laruan,
Mamahaling damit, pati kasangkapan.
Himig nitong Pasko’y Lacoste at Giordano,
Dili kaya’y Vuitton, Lauren o Benetton.
Larawan ng Pasko wala na kay Kristo,
Ito’y nasa Prada, Bally, Esprit, Polo,
Fendi, Tommy, Hugo, ‘tsaka Ferregamo.
Ito nga ang diwa nitong ating Pasko –
Para sa mayaman, kaburgisang todo-todo.
Sa hamak kong dampa’y biglang nagsulputan
Sari-saring tauhan, pawang mayayaman,
Kahon-kahong tangan ng kan’lang alalay
Bigay sa makita’t bawa’t madaanan
Kasabay ng wikang, “Handog ni Sir” o “Alay ni Madam”
Kasaliw ng ngiti’s kislap ng kodakan
Para dyaryo’t TV sa kinabukasan.
Paporma’t pasikat sa limos at tulong –
Ito nga ang Pasko sa ‘ming na-Pepeng, na-Ondoy
Sa dako pa roon, bigay nama’y hamon,
Na higit ang sarap sa tuyo’t galunggong.
Alay daw ni Kong, ni Gob, ni Meyor
Sa mahal na bayang sa kan’la’y naghalal –
Nang sa Pasko man la’y mamantikaan
Labing nahiyang na sa toyo’t asing ulam.
Ano’t ano nga ba ito palang hamon,
Galing din sa kaban ng bayang naipon,
Laan sa pagbaha, sa bagyo’t sa lindol
At hindi nagbuhat sa bulsa nitong mga pulpol.
Ito na nga ang Pasko na dala’y delubyo
Sa likod ng tingkad nitong aginaldo.
Kumukuti-kutitap, wari’y alitaptap,
Sari-saring ilaw kumikindat-kindat
Sa bawa’t tahanan, gusali’t restoran
Pati pasugalan at bahay-aliwan.
Magsaya! Magsaya! ang mensahe nito
Sapagka’t ito nga ang Araw ng Pasko
Magsaya! Magsaya! Paano? Paano?
Laman ng bulsa ko ay duling na piso.
Malungkot, malupit, sumabit ang Pasko
Sa isang hampaslupa’t dukhang tulad ko.
Kawalang pag-asa sa puso’y iwaksi,
Sermon sa misa de gallon ng mahal kong pari:
Kalam ng sikmura’y huwag nang indahin pa
Di baga’t yan ay nakasanayan na?
Magdasal, magdasal upang maging banal
Pagdiwang sa Pasko’y bigyang kahulugan
Ayon sa pangaral ng Panginoong tunay –
Tao’y nabubuhay di lang sa tinapay
Kundi sa salita ng Poong Maykapal.
Tunay na mapalad dukhang mahihirap
Pamana ng langit sa kanila’y ganap.
Trinoma at Greenhills, Greenbelt, pati Rustan’s.
Hugos ang bilihan, wala nang tawaran,
Makabili lamang ng mithing laruan,
Mamahaling damit, pati kasangkapan.
Himig nitong Pasko’y Lacoste at Giordano,
Dili kaya’y Vuitton, Lauren o Benetton.
Larawan ng Pasko wala na kay Kristo,
Ito’y nasa Prada, Bally, Esprit, Polo,
Fendi, Tommy, Hugo, ‘tsaka Ferregamo.
Ito nga ang diwa nitong ating Pasko –
Para sa mayaman, kaburgisang todo-todo.
Sa hamak kong dampa’y biglang nagsulputan
Sari-saring tauhan, pawang mayayaman,
Kahon-kahong tangan ng kan’lang alalay
Bigay sa makita’t bawa’t madaanan
Kasabay ng wikang, “Handog ni Sir” o “Alay ni Madam”
Kasaliw ng ngiti’s kislap ng kodakan
Para dyaryo’t TV sa kinabukasan.
Paporma’t pasikat sa limos at tulong –
Ito nga ang Pasko sa ‘ming na-Pepeng, na-Ondoy
Sa dako pa roon, bigay nama’y hamon,
Na higit ang sarap sa tuyo’t galunggong.
Alay daw ni Kong, ni Gob, ni Meyor
Sa mahal na bayang sa kan’la’y naghalal –
Nang sa Pasko man la’y mamantikaan
Labing nahiyang na sa toyo’t asing ulam.
Ano’t ano nga ba ito palang hamon,
Galing din sa kaban ng bayang naipon,
Laan sa pagbaha, sa bagyo’t sa lindol
At hindi nagbuhat sa bulsa nitong mga pulpol.
Ito na nga ang Pasko na dala’y delubyo
Sa likod ng tingkad nitong aginaldo.
Kumukuti-kutitap, wari’y alitaptap,
Sari-saring ilaw kumikindat-kindat
Sa bawa’t tahanan, gusali’t restoran
Pati pasugalan at bahay-aliwan.
Magsaya! Magsaya! ang mensahe nito
Sapagka’t ito nga ang Araw ng Pasko
Magsaya! Magsaya! Paano? Paano?
Laman ng bulsa ko ay duling na piso.
Malungkot, malupit, sumabit ang Pasko
Sa isang hampaslupa’t dukhang tulad ko.
Kawalang pag-asa sa puso’y iwaksi,
Sermon sa misa de gallon ng mahal kong pari:
Kalam ng sikmura’y huwag nang indahin pa
Di baga’t yan ay nakasanayan na?
Magdasal, magdasal upang maging banal
Pagdiwang sa Pasko’y bigyang kahulugan
Ayon sa pangaral ng Panginoong tunay –
Tao’y nabubuhay di lang sa tinapay
Kundi sa salita ng Poong Maykapal.
Tunay na mapalad dukhang mahihirap
Pamana ng langit sa kanila’y ganap.