Home Opinion Ang Meralco ay tumututol sa rooftop solar installation 

Ang Meralco ay tumututol sa rooftop solar installation 

1550
0
SHARE

1.

Mula nang ang kumpanya ng Meralco ay kondenahin

sa biglaang pagpataw sa kuryente ng dagdag singil

at dahil sa pangyayari naging sentro ng usapin

sa senado, sa kongreso maging sa social media rin

at ang mainit na isyu ay dagliang ibinaling 

sa mga solar panel na nauuso ngayon sa’tin

2.

Meralco ay nagpahayag ng malabis na pagtutol

hinggil sa tinatawag na rooftop solar installation

ang dulot daw ay panganib ng di wastong pag-i-install

na maaring pagmulan ng sunog kapag nagkataon

ganoon pala bakit hindi nila tinutulan noon

ang isyu ng pagkasunog na binanggit nila ngayon

3.

Simple lamang ang sagot at alam na ng karamihan

na talagang hindi sunog ang siyang tunay na dahilan

ito’y hindi malasakit para sa’ting kaligtasan

kundi upang i-discourage tayong mga mamamayan

dahil pag solar energy ang gamit sa kabahayan

sa kanilang kinikita ay malaking kabawasan

4.

Di ba ang solar power ay renewable energy rin

katulad sa water driven na uri ng mga turbine

ng geothermal energy na sa earth surface nanggagaling

at iba pang kauring ang nagpapaandar ay hangin

handog ng kalikasan na walang maaring pumigil

sa sino mang nagnanais upang ito ay gamitin

5.

Ang pagtutol ng Meralco ay umani ng batikos

kahit ang dahilan nila ay isyu ng pagkasunog

ang kanilang pinahayag ay maaring magdulot

sa nais na magpa-solar ng agam-agam at takot

sa mga solar company naman ito’y magbubunsod

ng pagpupunyagi upang magsebisyo ng maayos

6.

Sana ay hindi na lamang tinutulan ng Meralco

mga rooftop installations na di naman peligroso

dahil ang mga solar grid na dito ay dinisenyo

ay may protective device na ikinakawing para rito

may quality controller na tagasiyasat ng produkto

bago nila palabasin at ibenta sa mercado

7.

Dahil mahal ang kuryente marami ang nagnanais

na sa mga bahay nila solar na ang ipakabit

lalo sa panahon ngayon mahaba pa ang tag-init

di sapat ang electric fan upang mapawi ang init

madali namang bumili ng air conditioning unit

ang problema sa kuryente magdurusa ka ng labis

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here