Home Opinion Ang mayaman at mahirap kapag mayrong arrest warrant

Ang mayaman at mahirap kapag mayrong arrest warrant

425
0
SHARE

1.

Kapag mahirap ang tao at mayroong ARREST WARRANT

napakadaling MATUNTON at nahuhuli kaagad

di katulad ng mayaman kayhirap ng MAHAGILAP 

kung hindi man nagtatago nakalabas na ng PINAS

lalo kung NO BAIL ang kaso sila ay hindi papayag

na MADAKIP at sa rehas na bakal ay maghihimas

2.

Bakit nga ba PAKUKULONG mga taong mayayaman

kung mayroong abogadong de KAMPANILYA nga naman

at paano mahuhuli kung sila ay TUTURUAN

ng kanilang LEGAL COUNSEL na sila’y mangibang bayan

di ba OBSTRUCTION OF JUSTICE ang ganyang pamamaraan? 

na kung pakaiisipin ay dapat na MAKASUHAN 

3.

Ang ilan sa abogado basta sa ngalan ng PERA 

lahat yata ay gagawin MAIPAGTANGGOL lang nila

mga taong MASALAPI upang sila’y di magdusa

sa loob ng bilangguan kahit may PAGKAKASALA 

ITUTUWID ang baluktot mapawalan lang ng sala

ang dapat sanang MANAGOT na kliyentang inihabla

4.

Samantalang ang mahirap dahil sa yaman ay salat

kusang loob na susuko sa alagad nitong batas

wala ring VIP treatment na kanilang natatanggap

at pusakal na kriminal ang mga nakakaharap

di tulad sa mayayaman kahit kaso ay mabigat

may mga SPECIAL TREATMENT sa kanila ang prison guard

5.

Sa ilalim nitong BATAS kailangan ang akusado

mayaman man o mahirap dapat harapin ang KASO 

lalo at may VALID WARRANT na nanggaling sa husgado

kliyente ng legal counsel ay dapat na MAARESTO 

sa ating saligang batas ay KAWALAN NG RESPETO 

kung ang mga LUMALABAG mismong mga abogado

6.

Sa RULE OF LAW kapagka ang akusado’y di mahanap

at PINAYUHAN ng kanyang abogado na tumakas

ay nagiging PUGANTE na at ang kaso’y bumibigat

o ASCONDING in avoiding na maihain ang warrant

di ba dapat abogado ang ipalit at ISALPAK 

sa kulungan lalo na kung ginagago na ang batas? 

7.

Ang tunay na KATARUNGAN kailanman di mananaig

kung laging NABABALUKTOT mga bagay na matuwid

kung ang PIRING ng hustisya ay hindi na nakatakip

itong timbangan ng batas ay maaring TUMAGILID 

kapag ang nasa KATWIRAN at tinig ng maliliit

ay di na pinakikinggan ito’y magiging JUST TIIS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here