Home Opinion Ang Juvenile Justice and Welfare Act 

Ang Juvenile Justice and Welfare Act 

2264
0
SHARE

1.

Magkaiba ng pananaw itong mga mamamayan

hinggil sa insidente ng pamamaril sa Tacloban

mayrong mga nagsasabing hindi dapat makasuhan

ang dalawang estudyanteng namaril sa paaralan

dahil menor de edad daw ang nasabing kabataan

kaya sa kasong kriminal ay di pa pwedeng sampahan

2.

dahil sa juvenile justice and welfare act ay di dapat

makasuhan ng kriminal ang mga menor de edad

edad kinse anyos pababa di raw lubos na talastas

ng kanilang pag-iisip iligal na aktibidad

dahil dito sila’y walang pananagutan sa batas 

kahit ang pagkakasala nila ay ubod ng bigat

3.

At sa halip na ang batang nagkasala ay ikulong

sila’y isasailalim lang muna sa interbensiyon

paraan daw ito upang bigyan ng pagkakataon

na magbago  at ang buhay magkaroon ng direksiyon

paano kung di magbago sa paglipas ng panahon

lalo na kung ang bata ay likas ang pagka-simaron? 

4.

Tila ang batas na akda ni Senador Pangilinan

naging sandigan  ng batang may likas na kasamaan

imposible na ang batang labinglimang taong gulang

kulang  pa sa pang-unawa  ang kanilang kaisipan

lalo ngayon na mataas ang antas ng karunungan

ng bata kung ihahambing sa panahon na nagdaan

5.

Sa panahon natin ngayon kung ikaw ay mapagmasid

ay nagkalat sa lansangan yaong mga batang paslit

sapagkat ang sindikato ay sila ang ginagamit

upang isakatuparan ang criminal activities

sapagkat ang. mga bata’y hindi pansinin sa pulis

dahil sila’y musmos pa at bubot pa ang pag-iisp

6.

Paano ang inosente’t  kaawa-awang biktima

na nasawi sa nangyaring pamamaril sa iskwela

pati mga nasugatan at ang mga naulila

na nagdurugo ang puso sa labis na pagdurusa

dahil sa Juvenile Justice and Welfare Act paano pa

makakamit ang kanilang inaasam na hustisya? 

7.

Marahil ay panahon na upang ang nasabing batas, 

rebisahin, at susugan na ng mga mambabatas

sa gulang na sampung taon at mas mababa ang edad

Republic Act 9344 ay dapat na ipatupad

ang batas kontra sa krimen kapag ito ay may butas

lalo lamang tataas ang antas ng kriminalidad

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here