Andre Paras ayaw pag-usapan ang problema ng pamilya

    429
    0
    SHARE

    SA TUWING maiinterview ng entertainment press si Andre Paras, hindi puwedeng hindi maitanong sa kanya ang tungkol sa issue ng pamilya nila at ng parents niyang sina Benjie Paras and Jackie Forster. At sa tuwina’y maayos na ipinapaliwanag ng batang aktor na as much as possible ay ayaw niya itong pag-usapan.

    “No comment na lang. I think I do have the right to talk about what I want. ’Yun lang, I don’t want to talk about it lang. I can explain ’pag wala nang (camera or interview),” say ni Andre na bida sa pelikulang Diary ng Panget under Viva Films.

    “I’m sorry, it’s hard, eh,” dagdag pa niya. Panahon na lang daw ang makapagsasabi kung ano ang mangyayari in the future pero sa ngayon ay gusto na lang daw niyang mag-focus sa kanyang showbiz career at pag-aaral.

    Naaapektuhan ba siya kapag tinatanong siya about his family? “I guess it hurts. The only thing that hurts is when people remind me lang, you know, little things. I mean, it’s really painful when I get reminded. That’s why I don’t wanna talk about it.

    “I hope you guys, understand. Coz I respect you, guys. I know you wanna know, and people want to know, but for me, my answer is I don’t want to talk about it. It’s kinda personal. That’s all I can say po. Thank you po,” he said.

    Ang nakakatuwa kay Andre, kahit malungkot ang expression ng mukha niya, ang guwapo pa rin niyang tingnan at parang wala siyang anggulong pangit, sa totoo lang. Tinanong nga namin siya kung ano ang reaction niya kapag sinasabing kahawig niya si Aga Muhlach during Bagets days din ng aktor at say niya, he’s flattered.

    “My tita said nga before na kamukha raw ako ng batang Aga. I’ve seen him but I’m not sure if I met him already, but I know he’s a good person. I wanna meet him nga,” say pa ni Andre.

    First movie ni Andre ang Diary ng Panget at apat silang bida nina Nadine Lustre, James Reid and Yassi Pressman. Sobrang nag-enjoy nga raw siya while doing the fi lm dahil naging magkakaibigan daw silang apat.

    Showing na sa April 2 ang Diary ng Panget mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here