Home Opinion ‘An issue of double standard’

‘An issue of double standard’

75
0
SHARE

TAMA lang ang naging desisyon ni Digong
na harangin n’yan ang pagbigay ng ‘parole’
kay naging Calauan municipal mayor
(Antonio Sanchez) na ‘convicted’ ng pitong
‘reclusion perpetua,’ kahima’t sa BuCor
siya’y nakulong na ng tatlumpung taon.

At ni ang isang ‘term’ na dapat bunuhin
sa Munti ay di pa nagawang tapusin,
liban sa ang kaso niya ay ‘heinous crime,’
papayagan ba ng ‘head of state’ natin
at ng taongbayan ang isang salarin
na katulad n’yan ay basta palayin?

Gayong ‘seven counts’ nga ang sentensyang dapat
pagdusahan nito, na ’40 years’ bawat
isang hatol, kaya napakaliwanag
na kahit sa isa’y di pa naka-alpas
itong ‘rapist-killer,’ sa pangil ng batas
hanggang sa tuluyang matigok ang ungas!

Iba’ng habang buhay na pagkakakakulong
kaysa ‘reclusion perpetua’ na ni ‘parole’
ay di puedeng i- ‘grant’ ng ‘Bureau of Prisons’
sa lahat ng oras o pagkakataon;
(‘While life sentence based on jurisprudence of law,
It can have within just 30 years in prison’).

Sabihin na nating nakaraos na siya
sa isang hatol na ‘reclusion perpetua,’
yan ay wala pa nga sa ‘3rd part’ kumbaga
ng dapat danasing klase ng parusa;
kung saan dapat nga’y silya elektrika
(o pugot ulo na gaya sa Arabia),

Dangan nga lang in-‘abolished’ni Pangulong
Gloria Macapagal ang ‘lethal injection’
(pagkaupo nito), kung kaya ang buhong
at walang kaluluwa na katulad nitong
si Sanchez ay buhay pa rin hanggang ngayon;
At nakalaya na sana r’yan sa BuCor,

Pero naunsyami nang may nakapuna
sa kung ilang libong preso na, anila
ay ‘eligible’ nang makalabas sana,
subalit nang dahil sa nagka-aberya
kung sinong may utos palayin sila,
wala ni isang mang umakong utos niya!

Dahil d’yan tiyak na hanggang sa tumanda
itong si Sanchez ay di na makawala
sa ‘almost 30 years’ na niyang naging lungga
diyan sa bilibid, na ipinamukha
sa kanya ni Judge Harriett na hindi na nga
siya kailan pa man maaring lumaya.

Masuwerte pa rin siya sapagkat ‘reclusion’
na ‘walang hanggan’ lang na pagkakakulong
ang sa kanya kumpara kay Leo noon,
na nang-reyp lang pero anong naging hatol?
‘Bitay,’ at ang ‘victim’ baka hanggang ngayon
buhay pa rin pagkat hinalay lang ng Tiyong.

Di gaya ni Sanchez na grabeng masyado
ang kanyang ginawa sa biktima nito,
na matapos niyang gahasahin ito
ay walang awa ring pinatay ng loko
pati ang ‘boyfriend’ n’yan ng asal demonyo
na si Calauan ex-mayor Don Antonio.

Ang isyu hinggil sa muntik ng paglaya
ni Sanchez sanhi nalagyan daw yata
si Faeldon, posibleng ang ating hinala
ay totoo pagkat ya’y dati nang gawa
ni Sir noon pa man sa Aduana, kaya
hayan, ang bulsa n’yan sa ‘tong’ ay tumaba?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here