Amanda Resort, magandang pasyalan at masarap na kainan

    613
    0
    SHARE
    ABUCAY, Bataan – Malililim na swimming pool at masasarap na pagkain ang umaakit sa marami upang pasylan ang Villa Amanda Resort and Restaurant na matatagpuan sa tabi lamang ng MacArthur Highway sa Capitangan, Abucay, Bataan.

    May isang malaking swimming pool at tatlong maliliit para sa mga bata na siyang –siya lalo na’t kung pinapaandar ang bumubugang mga shower nito.  Ligtas sa matinding init ang mga naliligo sapagka’t ang mga swimming pool ay may atip.

    May malaki itong palaisdaan ng mga isdang tilapia na hinuhuli at iniluluto batay sa order ng mga bisita.  Espesyal na luto rito ang tilapyang pesa, inihaw, pinaputok at steamed.  Ang Villa Amanda mismo ang gumagawa ng tinapang tilapia na P130 isang kilo na for export sa iba’t-ibang dako ng daigdig.

    Bukod sa ulam na tilapia na ang inihaw ay isinasawsaw sa bagoong alamang  na gawa rin sa Villa Amanda na nilagyan ng kalamansi,  may nilasing na hipon at iba pang mga putahe na iniluluto ng mga magagaling na cook sa pangangasiwa ng may-ari nitong si Aling Amanda.

    Ang entrance fee ay P60 para sa mga bata at P70 sa adult na bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.  Ang mga cottages na nakapaligid sa mga swimming pool ay P300 bawat isa.  May airconditioned rooms din dito na P2,500 a day good for 5 persons.

    May maaliwalas na function rooms na tamang-tama sa mga kasalan, binyagan, seminars o anumang kasayahan sa affordable na halaga.

    Isang maamong malaking sawa, Burmese python, ang pinagkakaguluhan ng mga bata at matanda kapag inilalabas sa kulungan.  Meron ditong isang aviary kung saan may iba’t-ibang uri ng mga magagandang ibon ang makikita.  Isang maliit na buwaya ay umaakit din ng pansin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here