Alex Gonzaga gaya-gaya kay Maricel Soriano

    333
    0
    SHARE

    Kinikilig si Alex Gonzaga at the mere thought na gagawa siya ng movie with Maricel Soriano. O kaya naman reprise the role of Maricel sa isa sa mga classic movie nito.

    “Si Ms. Maricel talaga ‘yung gusto kong gawin. Kasi napanood ko siya sa John En Marsha noon. At napanood ko rin siya sa Kaya ni Mister, Kaya ni Misis. Cool na cool siya. Nakakatawa na mataray ang dating, pero gusto siya ng masa.

    “Alam ko, marami ang naghahangad na maging next  Maricel Soriano, ‘di ba? Pero hindi ko nakikita sa kanila ang tunay na Maricel. Ang kapal naman ng mukha ko kung sasabihin kong nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

    “Siguro lang ‘yung pagiging bubbly niya. Doon ko nakikita ang sarili ko. Pero other than that siyempre naman, baka sabihin  ni Ms. Maricel, ang yabang ko. Hahaha!” natatawang pahayag ni Alex. 

    Gusto ring makasama ni Alex sa pelikula si Regine Velasque kapag bumalik na sa showbiz ang Songbird.
    At gusto rin niyang makasama ang ate niyang si Toni Gonzaga, problema lang daw, may kontrata pa ito sa Star Cinema.   

    Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex na nalilinya siya sa drama dahil kalog at komedyante siya.

    “Kahit sa totoong buhay, kahit five minutes, three minutes, super break-down na ako. Wala na, natatawa ako sa sarili ko. Ang hirap naman kasing umiyak, kasi ‘di naman ako malungkuting tao,” hirit pa ni Alex.

    Tungkol naman sa lovelife, loveless daw siya at wala raw katotohanan ang naglabasan na may napupusuan na siyang member ng isang  banda.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here