Home Opinion ‘A case of possible connivance’

‘A case of possible connivance’

1289
0
SHARE

SA ANONG tanggapan ng ating gobyerno
puedeng isumbong ang isang abogado
ani Magda, (di tunay na ngalan nito)
na hiningan na n’yan kung ilang libo

Pero hayan halos mag-iisang taon
na ang nakalipas di pa nai-‘file’ itong
dimanda na inaasahan umanong
maisampa sa lalong madaling panahon.

Ang kaso ay hinggil sa pekeng ‘deed of sale’
na kung saan ang isang ‘nine-door-apartment,
ni Irineo ‘which he assigned for his child,’
Its title was transferred to one, and to others.

They made it to appear that the owner itself
Had sold the property while he’s already dead
At the time the bogus sale was executed
Before a notary public who’s also fake!

Di kaya itong si ‘Atorni Agaton’
ay ‘double blade’ kaya laging pino-postpone
ang pag-file ng kaso, ‘at the expense’ nitong
kawawang kliyente na taga San Simon?

Sabi niya kay Magda, di pa raw nakuha
yata ni ‘Agaton’ ang kanyang lisensya
kaya hindi muna raw niya maisampa
sa korte ang anumang klaseng dimanda.

Di ba dapat bilang isang propesyonal
ay ‘intact’ ang lahat ng kinakailangang
sertipiko at/o permisong hawak n’yan
para sa propesyon niyang ginagalawan?

‘To be exact’ kahit simpleng dokumento
‘Even as notary public,’ ay di nito
mapirmahan ng naturang abogado
dahil sa kung anong di pa n’yan na-‘renew’?

Kaya lang, papano na itong kliyente
ng taong ‘yan ngayong ang ‘real property’
na dapat mabawi agad ay tumindi
ang danyos ng dahil na rin kay attorney?

Kaso yan ng ‘recovery of property,’
at talaga namang pineke lang bale,
ng kung sinong kakutsaba r’yan sa RD
nitong lubhang eksperto sa pamemeke.

Kilala ko lahat halos ang datihang
mga abogado’t saka naging piskal
nang kapanahunan ng ating ‘Provincial
Prosecutor Villamor Dizon; kung saan

Siya ang pangulo ng aming samahang
“AGTACA” at ako ang Kalihim bilang,
maliban sa isa ako noong araw
sa ‘writers’ ng magazine niyang pang-simbahan.

Bilang kolumnista, kakila ko rin
ang ‘judge’ na natiklo r’yan sa kakaunting
barya lang, at saka ang isang Piskal din
na nasilo habang siya’y kumakain.

Isinulat ko ang hinggil sa kanila
sa ‘national papers,’ sa lokal pati na
upang sila’y di pamarisan ng iba
na napakadaling masilaw sa pera.

‘If by chance’ mabasa nitong ating ‘subject’
ang hinggil dito sa kanya inilapit
na kaso, (since nothing has not been prepared yet )
mas makabubuting ang pera ibalik.

At huwag isipin na ako’y nanakot
kundi ‘nilalagay lang natin sa ayos
ang legalidad nitong ating pagkilos,
sa paraang makatao at maka-Diyos!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here