Home Headlines Flaming Sword monument, plaza ng Pilar hitik sa Christmas decor

Flaming Sword monument, plaza ng Pilar hitik sa Christmas decor

410
0
SHARE

PILAR, Bataan: Hitik sa kaakit-akit na mga Christmas decoration ang Flaming Sword Monument at plaza ng makasaysayang bayang ito  na nagsislbing libreng pasyalan ng mga tao, kabilang ang maraming bata.

Ang Flaming Sword marker na sumisimbulo sa nag-aalab na damdaming makabayan ng mga Filipino na handang magbuwis ng buhay  para sa bayan tulad noong World War II ay nababalot ng nakawiwiling liwanag mula sa iba-ibang  mga Christmas decoration.

Ang Pilar ang kinaroroonan ng dinarayong Mt. Samat War Memorial Shrine kung saan nagkaroon ng matinding labanan ang tropa ng Filipino at Amerikano laban sa mga Hapon bago isuko ang Bataan. 

Tila may temang environment-friendly ang mga palamuti dahil sa hugis malalaking bulaklak at dahon ng halaman ang nanginngibabaw sa marker at sa mismong plaza sa maraming Christmas decoration.

Ang munisipyo na may mga kumukutitap na parol sa ibabaw nito ay may malulam ngunit kaakit-akit na waring nag-aanyayang liwanag.

Masasabing picture-perfect ang bawat Christmas decoration na babalik-balikan, ika nga, dahil hindi nakakasawang pagmasdan.

Pinangunahan ni Mayor Carlos Pizarro, Jr. ang Christmas lighting ceremony sa Pilar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here