Home Headlines Pampanga Giant Lanterns vs. Bacoor City Strikers sa MPBL championship

Pampanga Giant Lanterns vs. Bacoor City Strikers sa MPBL championship

445
0
SHARE
Si MPBL commissioner Kenneth Duremdes kasama ang koponan ng Pampanga Giant Lanterns at Bacoor City Strikers ng humarap sa isang press conference nitong Miyerkules sa isang restaurant sa Makati. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Maghaharap ang Pampanga Giant Lanterns at Bacoor City Strikers para sa national championship ng 5th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ang unang laro ng best-of-5 series ay gaganapin sa Sabado sa Bren Z. Guiao Convention Center sa lungsod na ito.

Ang Pampanga Giant Lanterns ang tinuturing ng MPBL fans na “llamado” sa nasabing laro habang “big underdog” naman ang Bacoor City Strikers.

Ayon kay Pampanga Giant Lanterns coach na si Randy Alcantara, iba ang championship games kumpara sa semis kaya’t puspusan na ang kanilang ensayo bilang paghahanda para masungkit ang kampeonato.

Ani Alcantara, naka-focus na sila sa championship games at ibibigay nila ang lahat gaya ng mga nagdaang laro.

Sinabi naman ni Bacoor City Strikers coach Alex Angeles, ilalabas na lang nila sa laro ang kanilang ginagawang preparasyon at pipilitin nila na mapababa ang puntos ng kalaban gamit ang depensa para manalo.

Natutuwa namansi MPBL commissioner Kenneth Duremdes sa takbo ng liga at marami na ring mga manlalaro ang nakilala dito.

Pipilitin daw nila na mas mapaganda pa ang liga sa mga susunod na panahon sa tulong na rin ng mga manlalaro, mga team owners at Philippine basketball fans.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here