Kung totoong basta na lamang nagtaas
Ng singil sa supply ng elektrisidad
Ang AEC nang di nag-anunsyo’t sukat
Sa mga consumers, ano ang marapat?
May nilabag po bang batas ang AEC
O itong Angelex Electric Company,
Kung saan ayon sa sumbong ng marani
Ang itinaas niyan ay halos dumoble?
At base na rin sa hinaing ng ilan
Na ayaw ibunyag ang pagkakilanlan,
Bakit ni hindi raw yata nagkarun yan
Ng public hearing o konsultasyon man lang?
Na karaniwan nang dumadaan mandin
Sa ganyang proseso, bago dagdag singil;
Pagkat ang ‘owner’ ay di basta pupuedeng
Magtakda basta ng halagang naisin;
Kaya lang, ano pa ba ang magagawa
Ng mga consumer na kaawa-awa,
Ngayong ang dagdag singil na itinakda
Ng mismong may-ari ang umiral yata?
Kundi ang mag-lobby sa kung sinong dapat
Mamagitan upang pigilin at sukat
Ang biglang pagsirit ng ganun kataas
Ng electric power rates na pinatupad!
Kung saan kaugnay ng isyung naturan,
May kung anong tsismis tayong nakalap d’yan;
Na puedeng totoo o gawa-gawa lang,
Pero malamang na tama ang hula riyan;
Na ang may-ari niyan ay naghahanda na
Ng kanyang panggastos pagsabak muli niya,
Sa Angeles bilang re-eleksyonista
Comes year 2010, sa kanyang kampanya.
At kung saan nga po nila ilalaan
Ang dagdag singil na itinakda po n’yan
Sa nakasanayan nilang pamimigay
Ng pakimkim tuwing bago maghalalan;
(Na aywan kung bakit naging bisyo naman
Ng nakararami nating botante riyan
Ang ibenta n’yan ang kanyang karapatan
Na makapamili ng dapat ihalal!
At di na naisip ng iba po nating
Mga kabalen ang ika nga’y posibleng
Sa kaban ng bayan din naman kukunin
Ng iba ang perang binibigay sa ‘tin?)
Kaya sa puntong yan, ngayo’t nagkataong
Sa isyung nasabi ay concerned si Blueboy,
Maniwala’t hindi ang butihing Mayor
Ya’y makasisira sa kanyang ambisyon;
At walang sa kanya ay maniniwala
Na di po totoo ang napabalita;
Liban na lamang kung kusang ibababa
Ni Mayor ang power rates na itinakda.
Na aywan kung bakit ito ay nangyaring
Naipataupad ng walang public hearing;
Gayong ang proseso na marapat sundin
Ay batid po nila’t nasa batas natin!
Ng singil sa supply ng elektrisidad
Ang AEC nang di nag-anunsyo’t sukat
Sa mga consumers, ano ang marapat?
May nilabag po bang batas ang AEC
O itong Angelex Electric Company,
Kung saan ayon sa sumbong ng marani
Ang itinaas niyan ay halos dumoble?
At base na rin sa hinaing ng ilan
Na ayaw ibunyag ang pagkakilanlan,
Bakit ni hindi raw yata nagkarun yan
Ng public hearing o konsultasyon man lang?
Na karaniwan nang dumadaan mandin
Sa ganyang proseso, bago dagdag singil;
Pagkat ang ‘owner’ ay di basta pupuedeng
Magtakda basta ng halagang naisin;
Kaya lang, ano pa ba ang magagawa
Ng mga consumer na kaawa-awa,
Ngayong ang dagdag singil na itinakda
Ng mismong may-ari ang umiral yata?
Kundi ang mag-lobby sa kung sinong dapat
Mamagitan upang pigilin at sukat
Ang biglang pagsirit ng ganun kataas
Ng electric power rates na pinatupad!
Kung saan kaugnay ng isyung naturan,
May kung anong tsismis tayong nakalap d’yan;
Na puedeng totoo o gawa-gawa lang,
Pero malamang na tama ang hula riyan;
Na ang may-ari niyan ay naghahanda na
Ng kanyang panggastos pagsabak muli niya,
Sa Angeles bilang re-eleksyonista
Comes year 2010, sa kanyang kampanya.
At kung saan nga po nila ilalaan
Ang dagdag singil na itinakda po n’yan
Sa nakasanayan nilang pamimigay
Ng pakimkim tuwing bago maghalalan;
(Na aywan kung bakit naging bisyo naman
Ng nakararami nating botante riyan
Ang ibenta n’yan ang kanyang karapatan
Na makapamili ng dapat ihalal!
At di na naisip ng iba po nating
Mga kabalen ang ika nga’y posibleng
Sa kaban ng bayan din naman kukunin
Ng iba ang perang binibigay sa ‘tin?)
Kaya sa puntong yan, ngayo’t nagkataong
Sa isyung nasabi ay concerned si Blueboy,
Maniwala’t hindi ang butihing Mayor
Ya’y makasisira sa kanyang ambisyon;
At walang sa kanya ay maniniwala
Na di po totoo ang napabalita;
Liban na lamang kung kusang ibababa
Ni Mayor ang power rates na itinakda.
Na aywan kung bakit ito ay nangyaring
Naipataupad ng walang public hearing;
Gayong ang proseso na marapat sundin
Ay batid po nila’t nasa batas natin!