Singer pinalayas sa condo dahil sa iskandalong dulot ng pasaway na tv host na girlfriend

    352
    0
    SHARE
    Matagal ang pinagtritripan sa mga blind item ang sexy tv host na ito na kilalang-kilala talaga dahil napapanood siya gabi-gabi bilang tsikadora sa isang news program.

    Mas malala yung mga naunang blind item sa kanya dahil nga nagwala siya mismo sa harap ng condo ng boyfriend na member ng isang banda. Sinira nito ang pintuan gamit ang isang fire extinguisher mula sa building. Kung hindi siya nasawata ng mga security guard, baka sinunog na raw niya’ng buong building na ikinatakot nga ng mga kapitbahay ng kanyang bf.

    Kicked out nga sa tinitirhang condo ang kanayng bf. Hindi na natagalan ng may-ari ng condo ang parating iskandalo sa kanyang unit. Parati raw kasing maingay sa unit ng singer dahil lagi silang nagbabangayan ng kanyang girlfriend.

    Actually, binigyan naman ng warning ang nasabing singer ng administrator ng nasabing condo. Pero makulit daw talaga ang girlfriend ng singer kaya malimit silang ireklamo ng mga kapitbahay.

    Pero dahil paulit-ulit na ang ingay nilang mag-dyowa, napilitan ang may-ari ng condo na palayasin na ng tuluyan ang singer.

    Kilala rin sa showbiz ang girlfriend ng singer na ito.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here