Angel Locsin inisnab ang anak ni Mother Lily?

    404
    0
    SHARE
    Kung bakit naman, pinahaba nang pinahaba yung isyung hindi puwedeng gawin ni Angel Locsin yung Mano Po bilang request ni Sharon Cuneta dahil nga gusto raw nitong makasama si Angel Locsin.

    Kung saan tuloy umabot ang isyu na kinukuwestiyon na pati word of honor ni Angel Locsin. Kumbaga, naulit nalangangiyu dahil noon pa naman nito.

    Mother Lily knows the real reason why Angel could not make a movie at Regal Films. Noon pa yan at dapat matagal nang pinagpahinga.

    Di ba, nagsalita lang naman si Sharon na gusto niyang makasama si Angel Locsin at dahil nga di naman puwede, di na kumibo si Sharon.

    So far, di naman na-offend ang nanay ni KC dahil naiintindihan niya ang sitwasyon.

    Kung ganito lang naman kasimple ang gusto ni Sharon, na makasama nga si Angel, napakadali naming maging reyalidad nito sa Star Cinema. All Sharon has to do, pumunta siya sa pamunnuan ng Star Cinema at mag-request na gawan sila ng movie ni Angel Locsin.
    Simple lang di po ba, walang probema tiyak kung ganito.

    Anyway totoo naman kayang inisnab ni Angel si Rosselle Monteverde nang magkrus ang landas nila sa premiere showing ng Astig?

    Nasaksihan daw ng press kung paano nga di pinansin ni Angel si Rosselle.

    “Nagkikita na kami dati pa pero ngayon lang kami nagkita na maraming tao. Si Ms. Roselle, saka si Mother Lily wala namang pinakitang masama sa akin, e, wala naman akong nakita para magkaroon kami ng friction.” 

    Isyu pa ring a yung di pagpuwede ni Angel sa alok na movie ng Regal at dahil doon pinararatangan siyang walang utang na loob.

    “Pasalamat ako siyempre kasi sa kanya ako nagsimula at nakakagaan ng loob at nakakatuwa na maayos ang lahat. Ako naman, mahal ko si Mother pero yun nga lang, may mga usapang legal sa Star Cinema pero wala na akong masasabi pa.”

    Gusto raw siyang makasama ni Sharon sa isang pelikula.

    “Ako rin naman, gustong-gusto ko. Sino ba naman ang hindi, din ba?

    “Si Ms. Roselle napakabait na tao. Nag-usap naman po kami pero hindi lang namin masyado fino-flaunt kasi usapang personal na yun, e. Sa aming usapan na yun, e. Tapos na yun, hindi na kailangang ilantad pa in public.”

    What is her message to Mother Lily regarding this issue? “Mas maganda in person kasi iba yung situwasyon namin. Ayoko naman parang gamitin yung media… mas maganda kung personal talaga.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here