Home Headlines Masantol nasa state of calamity na

Masantol nasa state of calamity na

562
0
SHARE
Ang kabayanan ng Masantol na lubog sa hanggang tuhod na baha. Kuha ni Rommel Ramos

MASANTOL, Pampanga — Nagdeklara na ang state of calamity sa bayang ito dahil sa patuloy na nararanasang mga pagbaha.

Ang deklarasyon ay sa bisa ng Resolution no. 2023-098 ng sangguniang bayan dahil patuloy pa rin na lubog sa baha ang maraming bahagi ng 26 na barangay dito dahil sa epekto ng mga pag-ulan na dulot ng habagat, nakaraang bagyong Dodong, Egay at Falcon kasama na ang high tide at pagbaba ng tubig mula sa upstream ng Pampanga at karatig lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija.

Ayon kay Mayor Jose Antonio Bustos, ang pagdedeklara ng state of calamity ay dahil sa epekto sa pamumuhay at kabuhayan sa mga residente ng naturang pagbaha.

Sa kasalukuyan, aniya, may mga lugar pa sa kanilang bayan na hanggang dalawa at kalahating talampakan na lalim ng tubig. Nasa 127 na pamilya o 488 na indibidwal pa ang kasalukuyang nasa ibat-ibang evacuation centers.

Kasunod nito ay nakahanda na daw ang mga relief goods na ipapamigay sa mga residente.

Ayon pa kay Bustos, sinuspinde ngayong Lunes ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaang bayan maliban sa mga frontline offices dahil maging ang munisipyo ay pinasok na rin ng pagbaha.

Aniya, posibleng hanggang sa Miyerkules pa tatagal ang suspensyon ng operasyon sa mga tangggapan dito dahil patuloy pa na tumataas ang tubig baha sa loob ng munisipyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here