Home Opinion Panawagan sa DAR Central Office

Panawagan sa DAR Central Office

661
0
SHARE

Ang pinagtataka r’yan ni abang-lingkod
bakit nagawa ang klase ng palusot
kung walang sa DARAB palihim kumilos
upang mamayani ang diskarteng bulok.

Mga mahuhusay at kagalang-galang
na mga Kalihim at L. O. nitong DAR,
bigyan n’yo ng pansin itong kahilingan
ng Petitioner na nasa katwiran.

Mula 1990’s na aking nabili
ang maanomalya na ‘subject property’
ay itong sanay sa pandaraya pati,
nakinabang ito ng malaki-laki.

Pagkatapos, hayan ay namamayagpag
sa tuwa ang taong sanay sa di patas
na pamamaraan para makadugas,
nang higit ‘yan kaysa kailangang itama.

Napakasimple ng ipinaglalaban
ng Petitioner kung isiping mataman
ang ‘lawful rights’ nito sa puntong naturan,
dahil sa ito ay nasa katwiran.

Na binaligtad nga riyan nitong ‘Sitting
Adjudicator’ na siya ang naka- ‘assigned’
na dinggin ang kaso riyan ng mataimtim
at masolusyonan na ‘at this point in time’

I filed then a ‘Voluntary Inhibition
of no offense intended pero di tinugon
ng kagalang-galang na Adjudicator
ang kumbaga’y aking legal na pag-aksyon.

At heto kahit na bulag siya’t bingi
sa marapat gawin, ya’y baka sakali
na mahantig itong itama ang mali
upang itong nasa katwiran ang wagi.

Dalawang bagay lang ang bigyan ng pansin
ang kasong ito ay masolusyonan din
nang naayon sa mga implementing
rules and regulations’ na marapt tupdin.

Mantaking sa loob ng tatlong dekada
di napag-ukulan ng oras kumbaga
ng matatalino para wakasan na
ang simpleng kaso na ang pandilig pera?

Ito namang ating tagapamahala
diyan sa DAR, na siyang dapat mangalaga
sa batas Agraryo, marapat lang yata
na mapabilis ang dapat isagawa.

Nang sa gayon medyo bumilis ang usad
Pagong na pagkilos nitong halos lahat
diyan nang nakatokang ‘officers’ na dapat
umaksyon kung ano ang karapat-dapat.

Na mang-una upang maisagawa agad.
gaya ko, na naging biktima ng ganyang
klase ng animo ay sinasadya riyan
na patagalin ang prosesong kailangan.

Maliwanag pa sa sikat nitong Araw
na nabili ko yan ‘thru a Public Auction
Sale’ na lehitimo ang ginawang aksyon
ng ‘mortgagee/seller’ sa tamang panahon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here