Home Headlines P38/kilo rice caravan ng Bulacan rice millers

P38/kilo rice caravan ng Bulacan rice millers

653
0
SHARE
Ang P38/kilo rice caravan ng Bulacan millers nitong Sabado. Kuha ni Rommel Ramos

BOCAUE, Bulacan — Isang rice caravan ang ginawa ng rice millers ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), Intercity Industrial Estate, at Golden City Business Park sa Barangay Lolomboy dito noong July 15.

Sa caravan ay mabibili ang P38 kada kilo ng bigas na may maximum lang na tig-5 kilo ang bawat household para marami ang mapagbigyan.

Nasa 100 kaban ang inilaan sa caravan na tinatayang nasa 1,000 household ang mabibiyayaan ng murang bigas sa ilalim ng programang “Tulong sa Bayan, Bigas para sa Mamamayan”.

Ayon kay Malou Tolentino, coordinator ng naturang caravan, ito ay inisyatibo ng mga millers mula Intercity at Golden City para makatulong sa mamamayan na makabili ng murang bigas.

Nasa P42 hanggang P46 kada kilo aniya ang halaga ng mga ito kung bibilhin sa palengke pero ibinebenta nila ng P38 lamang.

Ani Tolentino, target nila na makapagbenta ng murang bigas hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto kung kailan matatapos ang panahon ng lean months.

Plano nilang ibaba ang naturang programa sa ibat-ibang barangay sa Bulacan para marami ang pamilya na matulungan.

Bukod sa nasabing caravan ay mabibili din ang P38/kilo ng bigas sa mismong Intercity at Golden City sa Bocaue.

Samantala, natutuwa naman ang mga nakabili ng murang bigas na makokonsumo daw nila ng hanggang tatlong araw.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here