Kinilala ni Senior Inspector Jose Arca, hepe ng Castillejos PNP, ang mga biktimang sina MacArthur Douglas Lesaca ng Barangay Tampo, Botolan, Zambales; Ruby Corazon Fernan, 39, tubong Lanao del Norte at residente ng Barangay Balaybay at Rodelio Mana ng Barangay Barretto, Olongapo City.
Ang mga biktima ay nagtamo ng ibat-ibang tama ng bala sa katawan mula sa M-16 armalite rifle.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek ay nakasuot ng bonnet, itim na jacket at sakay ng single motorcycle.
Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala at siyam na plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.
May hinala ang pulisya na onsehan sa droga ang motibo sa pagpatay sa mga biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng Castillejos PNP hinggil sa nasabing krimen.