Kung ang ating ‘subject’ na ‘Adjudicator’
Dito sa ‘provincial office’ ng DAR ngayon
Kasalukuyang ay siya pa rin itong
‘Presiding officer’ sa kabilang nitong
Aking kahilingang mag- ‘Inhibit’ siya
‘As Adjudicator’ pero dinedma niya,
At itinuloy din n‘yan sa kanyang sala;
Natural lamang na ako ay mangamba.
Sa kadahilanang ang aking hinala
Laban sa tulad niya ay posibleng tama;
Kaya ako bilang ‘Petitioner,’ wala
Akong sa kanya ay ganap na tiwala.
Na maging patas siya, sanhi r’yan ng bakit
Ayaw sa naturang kaso mag- ‘inhibit’
Sa kabila nga ng aking pagnanais
Na siya itong kusang sa bista papalit.
May tinititigan ang kagulang-gulang
Na kwenta ‘Juez de Paz’sa kaso niyang tangan,
‘Me as Petitioner’ ay natural lamang
Na mapanuri sa pinagdududaan.
Lalo pa’t lantarang ang ikinikilos
Ng taong ‘yan labag sa pinag-uutos
Ng Saligang Batas, kaya’t tiklop tuhod
Akong nagdarasal sa Panginoong Diyos.
Na sana ang tunay na nasa matuwid
Ang katigan ng ating DAR Central Office
At di ang baluktot ang siyang manaig
Kundi sana ‘y ‘fair and impartial justice’.
Desisyon sa tatlong dekada ko na riyang
Sa DARAB, na ‘til date’ ay ipinaglalaban
At ini-akyat sa Central Office ng DAR
Ni ‘yours truly’ upang ya’y masolusyonan.
Kung saan ay kasong Disqualification’
Laban kay Cruz itong ‘still pending’ ngayon,
Sa provincial office – na di ko matukoy
Kung aling sangay ng DAR ang magdesisyon.
Ang isyu versus Cruz: ‘they secured business loan
Using allocated lot’ na bawal noon
Ang isangla, ibenta ang alokasyon
Ng lupang agraryo marapat ituon.
Di nakapagbayad ng utang – na ‘foreclosed’
Nga ang isinangla ng mag-awang Cruz,
‘As buyer in good faith’ at kwenta tumubos
O nakabili ‘thru an Auction sale,’ Tapos –
Ako ang ilalag riyan ng damuho
Na ‘Adjudicator’ sa nasabing kaso?
Sukdang makarating tayo sa Impyerno
Ang para sa akin ipaglalaban ko!
Kaya nga’t sa ngayon ang tangi kong hiling
Sa nakatataas sa DAR bigyang pansin
Ang aking hinala na baka sakaling
Sa likod ng telon may nangyaring ‘switching’
Ang naging basehan ng Adjudicator
Sa isinulat niyang ‘erroneous Decision,
‘Is a separate case’ kaya wala itong
‘lawful stand’ para i- ‘reverse’ ang hatol!