BLOODLETTING. Pinangunahan ng mga tauhan ng Castillejos PNP at Zambales Public Safety Company ang isinagawang bloodletting ng Philippine National Red Cross (PNRC), Zambales Chapter bilang tugon sa National Blood Donors Month sa buwan ng July 2012.
Kuha ni Johnny R. Reblando
CASTILLEJOS, Zambales — Pinangunahan ng mga tauhan ng Castillejos PNP at Zambales Public Safety Company ang isinagawang bloodletting ng Philippine National Red Cross (PNRC), Zambales Chapter na ginanap sa Castillejos Elementary School.
Nakiisa din ang mga residente ng Castillejos sa proyekto ng PNRC, maging ang mga municipal employees ng nasabing bayan sa pangunguna ni Mayor Jose Angelo Dominguez.
Bago kuhanan ng dugo magpaparehistro muna ang isang donor, kasunod nito ay sasailalim ito sa blood pressure, blood typing at physical examination.
Ang proyekto ng PNRC ay may temang, “Every Blood Donor is a Hero”.
Ito ay ginaganap sa 13 bayan sa lalawigan ng Zambales.
Nauna nang sinimulan ng PNRC, Olongapo Chapter ang bloodletting na ginanap sa Olongapo City Convention Center.
Ang nasabing bloodletting ng PNRC ay bilang tugon sa National Blood Donors Month sa buwan ng July 2012.