3 katao, patay sa kidlat

    318
    0
    SHARE

    CASTILLEJOS, Zambales – Patay ang isang guro at dalawang iba pa kabilang na ang isang menor-de-edad na batang babae matapos itong tamaan ng kidlat sa Barangay Balaybay Resettlement sa bayang ito Lunes ng hapon.

    Kinilala ni Inspector Geoffrey Javier, hepe ng Castillejos Police ang mga biktimang sina Maureen Basallo, 42-anyos, guro; Lamech Harlan Navarrete, 13-anyos, pawang residente  ng Purok-7, Barangay Balaybay Resettlement at Junior Vallejos, 40-anyos, at residente  ng Dampay Salaza, Palauig, Zambales.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang mga biktima kasama ang may walong iba pang katao kasama ang kanilang kamag-anak sa Nipa Hut dahil sa lakas ng ulan. Biglang kumidlat at tinamaan ang water pool kung saan nahagip at nakuryente ang tatlong biktima.

    Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakisilong lamang si Vallejos sa kubo dahil sa lakas ng ulan at kulog ng maganap ang aksidente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here