200 bahay nasunog sa Zambales

    521
    0
    SHARE

    MASINLOC, Zambales – Tinatayang aabot sa may na 164 na pamilya na may kabuuang 716 mga residente ang nawalan ng tirahan ng maabo sa sunog ang may 200 bahay na pawang gawa sa kahoy sa bayang ito kamakailan.

    Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jacinto Roma sa Sitio Matalviz at umabot pa ito sa Sitio Balogo, pawang sa Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales.

    Ayon sa ulat, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa lakas ng hangin at karamihan sa mga bahay ay may naka-imbak na gasolina na pag-mamayari ng mga mangingisda sa lugar.

    Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng pinsalang dulot nito.
    Wala namang iniulat na nasaktan at nasawi sa nasabing sunog.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here