SUBIC, Zambales – Pinamamadali na ni Mayor Jonathan “Jon” Khonghun ang
konstruksyon ng Subic General Hospital na itinatayo sa Barangay Asinan sa
bayang ito.
Isa ito sa mga pangunahing proyekto ni Khonghun na nag-groundbreaking noong
Jan. 26. Ayon sa alcalde, kinakailangan matapos ang 100-bed capacity hospital
bago magtapos ang kanyang termino bilang alkalde para naman mapakinabangan
ng mga Subikenyo at iba pang mamayan sa mga kalapit bayan.
Ang iba pang minamadaling mga proyekto ay ang pasasaayos ng rural health unit
building, at ang maintenance ng Subic Public Market para manumbalik ang sigla
ng mga tindero at mamimili na dumarayo pa dito tuwing araw ng palengke.
Inatasan na rin ni Khonghun ang pamunuan ng Subic Public Order and Safety
Office na magsagawa ng clearing operation sa pangunahing kalsada para
mapabilis ang daloy ng tapiko lalo sa rush hours.
Samantala, bubuksan na sa publiko ang Subic Sports Complex kung saan
nakatakdang ganapin ang Subic Mayors Cup 2022 (Inter Barangay Basketball
Tournament) sa July 16.