Home Opinion HAPPY 14th ANNIVERSARY, PUNTO Central Luzon News! 

HAPPY 14th ANNIVERSARY, PUNTO Central Luzon News! 

627
0
SHARE

‘Thanks God,’ sa kabila riyan ng hagupit
ng pandemyang dulot nito’y pangdaigdig
na bangungot saka ng matinding krisis,
ang PUNTO, patuloy pa ring kumikikig.

Kung saan bagama’t dalawang edisyon
lang sa isang linggo kung lumabas ngayon,
sinisikap pa rin ng ating editor
na mapanatili n’yan ang sirkulasyon.

At kahit halos ay walang kinikita
ang pasulatan at mga peryodista,
di nanlamig itong tapat na suporta
ng tagapaghatid balita’t lahat na.

Ang pangkalahatang tagapangasiwa,
Attorney Endona, hirap mang sumuba
sa agos ng muntik ikapariwara
ng PUNTO, di nakitaan ni bahagya;

Man lang ng senyales na sila’y bibitaw
sa tangang tungkulin, gaya ni Bong Lacson
na siyang ating pinaka-punong editor;
pati na rin si Ning ng ‘marketing till now’.

At lahat-lahat na, tulad ni ‘yours truly’
na ang suporta ay lubos nanatili
ring matatag upang di sapitin pati
ng PUNTO ang pagka-tigil ng marami.

Sanhi ng pandemyang di lang Pilipinas
itong sa lupit n’yan grabeng nakaranas
ng di matingkalang klaseng paghihirap,
ni sa panaginip di natin dinanas.

Salamat, matapos ang mahaba-haba
rin namang sa atin dulot na pinsala
nitong Covid-19, hayan bumababa
na ang nomiro ng sinamampalad nga.

At ang bilang din ng nahawaan pati
sa ‘virus’ nito ay di na rin dumami,
ngayong ang paligid ay di na rin kasi
gaya r’yan ng dati sa puntong nasabi.

Pero kahit wala tayong salu-salo,
na gaya ng dati, masaya rin tayo
sa araw ng dating t’wing anibersaryo
ng PUNTO ang lahat na ay dumadalo;

Dapat pa ring maging masaya ang lahat
sa kaarawan n’yan ng pagkakatatag,
kung saan sa likod ng hapis at sindak
na dulot ng Covid-19 ay may galak;

Na madarama ang bawat isa sa’tin
sa kaarawan ng pahayagan nating
ibinandila ang mga natatanging
komentaryo at ang pampang-ulong tudling.

Pagpapasalamat sa mga ‘subscribers,
sponsors,’ at ating mga ‘advertisers,’
sa ngalan ng ating butihing manager
ang pinararating sa lahat ng ‘readers’.

At nawa’y higit pa r’yan sa suporta
n’yo na inabot ng katorse años  na,
manatiling buhay hanggang may ‘print media’
at may ‘advertisers, readers’ at iba pa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here