Home Opinion ‘DELTA Variant,’ panakotlang sa ayaw magpabakuna?  

‘DELTA Variant,’ panakot
lang sa ayaw magpabakuna?  

774
0
SHARE

SA KABILA nitong napakahigpit na
pagpapatupad ng bakunado muna
ang sinuman bago pahintulutan sila
na makalabas ay dedma lang sa iba.

Sa kadahilanang higit na marami
ang walang makain kaya di masisi
ng administrayon ang di makumbinsi
sapol itong ‘Covid-19’ umatake.

At hanggang ngayon ay tuloy ang pagsipa
ng bilang ng mga nahawaan kaya
itong sina Isko at Eric lang yata
ang di makitaan ng hapis ang mukha?

Ito ay ayon na rin sa sabi-sabi
na may komisyon ang magkasanggang ire,
sa gumawa r’yan ng iba’t-ibang klase
ng bakuna kaya’t ang kita terible?

‘Yan ay kung totoo itong akusasyon
na kaya lumobo r’yan ang transmisyon
ng ‘variant’ ng Covid dahil sa pagtutol
n’yan na ‘Ivermectin’ na itong isulong.

Kung saan kumpara sa alin mang ‘vaccine’
na gaya ng AstraZeneca, ng Pfizer,
at nitong iba pang walang ‘healing power,
contrary to above mentioned ‘Ivermectin’.

At kung saan pati mga dalubhasang
Doctor ay nagsabing delikado nga raw
na ipagamit ang bakunang nariyan,
nang di dumami ang mga namamatay.

Sa madaling sabi, ‘now that no guarantee’
na di mahawaan ang ating katabi
sa sasakyan at/o tayo itong bale
ma-‘infect,’ bakuna itong walang  silbi.

Kundi ng lalo pang tayo’y malalagay
sa mas matindi pa r’yang kapahamakan,
kapag tayong ito ay nabakunahan
ng ‘AstraZeneca’ o ng alin mang ‘brand’?

Marami na itong maging sa ibang bansa
tutol sa ‘lockdown’ na ipinanukala
at pinapatupad kung kaya nga’t dagsa
na r’yan ang protesta sa kabi-kabila.

Dalubhasang doctors na itong nagsabi,
“Ivermectin is good”, ngunit sina Duque
at Domingo tutol, kaya di nangyari
ang inaahasaang mas makabubuti.

Kaya maaaring pananakot na nga lang
sa lahat-lahat na ng pamahalaan,
partikular na ng D.O.H. kabayan
ang hinggil dito sa sabi’y ‘DELTA variant’.

Sana naman, bigyang pansin ni Pangulo
ang nararapat na aksyon tungkol dito,
nang matigil na ang grabeng panloloko
ng mga dorobo sa ating gobyerno.

At ng kung sino pang halang ang bituka
na maaring pati kaluluwa nila,
kay Satan na kaya’t hindi tablan sila
ng makatao’t maka-Diyos na konsensya?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here