Home Opinion Sino sa kanila ang dapat pakinggan?

Sino sa kanila ang dapat pakinggan?

599
0
SHARE

SABI riyan ni Usec. Leopoldo Vega
ng ating  D.O.H. pinapayagan na
ang di pagsusuot ng ‘facemask’ at saka
ng ‘face shield’ kung nasa labas, di pa pala?

‘Contrary to what Cabinet Sec Nograles
Have had said that the same things are still required
To wear every time we travel or go outside,
So we can’t be spared of Covid days and nights.

Ayon naman d’yan sa pananaw ng isa
(ni Duque) ‘any layer of protection’ nga ba
puede nang panlaban upang di mahawa
sa ‘virus’ ng covid at ibang ‘variants’ pa?

Subalit ayon kay Spokesperson Roque
ng kagalang-galang nating Presidente,
kung ano ang utos ni Digong Duterte
ang sundin, at ya’y sa ospital lang bale.

Itong pagsusuot ng ‘face mask’ at saka
ng ‘face shield’ at ito’y pinagdiinan pa
ni Roque, na tagapagsalita nga niya,
kaya sino pa ang posibleng kumontra?

Lalo’t di na lingid sa atin kung ano
ang kay Harry Roque iutos ni Pangulo,
ay tunay naman ding sinusunod nito,
kaya sinong dapat pakinggan ng tao?

Ang kay D.O.H. Usec Leopoldo Vega
masasabi nating walang personal na
adhikaing tulad ng gawa ng iba,
at maaring walang bahid pulitika.

Kundi manapa ay para makatipid
tayo sa pagbili ng ‘facemask’ at ‘face shield,’
ngayong nabawasan na ang paghihigpit
laban sa pagsugpo sa ‘virus’ ng Covid.

Pero ang kay Duque kahit kaunti mayrung
personal interest ang simpleng pagtukoy
na puede ang “any layer of protection,”
alin pa ba kundi ang mabili ngayon?

Na ‘face mask’ at ‘face shield,’ at may ‘stock’ siya
n’yan ng sagad bubong ng kanyang bodega;
natural lamang na pangalagaan niya
ang kanyang sariling interest kumbaga.

Ang kay Cabinet Secretary Nograles,
na aniya’y kailangan pa o ‘still required’
na magsuot tayo ng ‘facemask’ at ‘face shield,’
yan marahil walang personal interest.

Kundi protektaan tayo sa posibleng
mahawaan sa ‘virus’ ng Covid-19
partikular sa paglabas-masok natin,
gaya ng kung tayo ay mayrung bibilhin.

Nasa sa atin na ring mga sarili
kung sino sa tatlo at kay Harry Roque,
na Spokesperson nga ni Digong Duterte
ang dapat pakinggan sa puntong nasabi.

Dahilan na rin sa pagkabuti-buti
man ng hangarin ng ating Presidente,
kapag pulitika na ang inintindi,
ang tamang lunas ay mailap parati!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here