Home Headlines Covid-19 sa Bataan: 38 bagong kaso, 2 nakarekober

Covid-19 sa Bataan: 38 bagong kaso, 2 nakarekober

558
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Iniulat ni Gov. Albert Garcia nitong Huwebes na may 38 bagongĀ kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Bataan samantalang dalawa lamang ang bagong nakarekober.

Umakyat sa 3,079 ang lahat ng kumpirmadong kaso at tumaas naman sa 2,800 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Muling tumaas ang aktibong kaso na ngayon ay 214 na habang 65 ang mga pumanaw na.

Ang mga bagong nagpositibo sa virus ay 14 mula sa Orani, anim sa Mariveles, apat sa Balanga City, tig-tatlo sa Samal, Morong, at Hermosa; tig-dalawa sa Abucay at Limay, at isa sa Dinalupihan.

Ang pinakabata ay apat na taong gulang samantalang ang pinakamatanda sa mga ito ay 82-anyos.

Ang mga bagong gumaling ay isang 60-anyos na babae mula sa Orani at 37-anyos na lalaki mula sa Limay.

Mula sa 33,193 na sumailalim sa Covid-19 test, 29,863 ang nagnegatibo na at 250 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here