Home Headlines 23 bagong gumaling sa Covid-19 sa Bataan

23 bagong gumaling sa Covid-19 sa Bataan

758
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga – Dalawampu’t tatlo ang mga bagong naka-rekober sa coronavirus disease kaya umakyat na sa 472 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa Bataan, batay sa bagong ulat ngayong Miyerkules ni Gov. Albert Garcia.

Kabilang sa mga bagong naka-rekober ay anim na kabataan. Ang mga ito ay isang 14-anyos at 17-anyos, parehong babae mula sa Dinalupihan; 12-anyos at 14-anyos na lalaki at 16-anyos at 17-anyos na babae, lahat mula sa Mariveles.

Ang iba pang bagong gumaling ay 11 mula sa Mariveles, tatlo mula sa Dinalupihan, dalawa sa Balanga City at isa sa Samal.

Samantala, tumaas sa 726 ang bilang ng mga kumpiradong kaso ng Covid-19 nang magkaroon ng karagdagang 18 bago.

Ang pito sa 18 ay mga kabataan na kinabibilangan ng isang 11-anyos at 3-anyos na babae, kapwa mula sa Abucay, 5-anyos, 2-anyos at 4-anyos na mga lalaki, 13-anyos na babae, lahat mula sa Balanga City at 9-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan.

Ang iba pa ay anim mula sa Balanga City na ang isa ay overseas Filipino worker, dalawa mula sa Morong, at tig-iisa sa Abucay, Dinalupihan at Limay.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay 238 habang nananatiling 16 ang mga nasawi na.

Mula sa 12,153 na sumailalim sa Covid-19 test, 11,290 ang mga nagnegatibo at 137 ang naghihintay pa ng resulta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here