Home Headlines Wala pa ring pasok sa Bataan Capitol sa Lunes

Wala pa ring pasok sa Bataan Capitol sa Lunes

829
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Wala pa ring pasok sa mga tanggapan ng provincial government sa Bataan Capitol sa Lunes, Aug. 3, matapos suspindihin ito noong Huwebes dahil dalawang kawani ang nagpositibo sa coronavirus disease.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia na sa Martes pa magbubukas ang mga tanggapan sa The Bunker na bagong kinalalagyan ng mga opisina ng provincial government sa likod ng dating Capitol.

Aniya, maliban sa isinasagawang disinfection, ang hakbang na ito ay upang mabigyan din ng sapat na panahon ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang kawani na nagpositibo sa Covid-19.

Patuloy din, ani governor, ang pagsasaayos ng ipatutupad na mas maigting na protocol sa lahat ng mga papasok sa The Bunker, maging empleyado man o mga bisita.

Ito, aniya, ay bilang pagtalima sa mga alitintunin ng inter-agency task force kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa virus sa lalawigan.

Sa pinakahuling ulat ng provincial health office, umakyat sa 397 ang kumpirmadong kaso ng Covid19 na ang 134 ay mga aktibong kaso. Ang nakarekober ay 251, samantalang 12 ang pumanaw na.

Hinihingi ko ang inyong mas malawak na pang-unawa, ibayong pag-iingat at kooperasyon sa ating patuloy na pakikipaglaban sa ating di-nakikitang kaaway,” pakiusap ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here