SA ILANG alkalde na napabalitang
anila ay balak umanong sampahan
ng kasong ‘anti graft’ sa ating Ombudsman
nitong dating Mayor at isang Kapitan.
Upang itong ngayon parehong ‘incumbent’
na ‘city mayor at isang ‘new elected
town mayor’ ang planong sa puesto i- ‘unseat’
ng kanilang mga kalabang mahigpit.
Aywan nga lang kung desidido talaga
itong ‘subject’ natin, na inihanda na
ang mga sarili n’yan para ilarga
ang kanilang pisi sa pakikibaka.
Subalit ang lahat ay plano pa nga lang
at ito ay wala pa ring katiyakan
na mailulunsad nitong alin pa man
sa dalawang kampo ang paksang naturan.
Pero sa tantya ng inyong abang lingkod
isang bagay lang ang ikatiklop-tuhod,
ng mga ‘complainants’ upang di ibuhos
ang kayang ibilad ‘in public’ nang lubos.
At ito’y nang dahil sa ‘death threats’ na puedeng
ipanakot nitong mga talusaling
sa mga ‘witnesses’ para di kantahin
ang katotohanan sa likod ng tabing.
Na ayon na rin sa ilang impormasyon
na ating nakalap mula sa ‘city hall’
at ‘town mate’ ng isang bagong upong mayor,
walang pasubali na di matutuloy!
Una ay suspension ang kakaharapin
ng mga ‘yan liban sa mga gastusin
sa ‘trial’ na hangga’t maari ay kunin
mga abogadong pinaka-magaling.
At di pupuede r’yan ang tutulog-tulog
na mga Atorning bago makasagot
sa tanong ng Huwes ‘it takes sometime almost
a minute for him to deliver a few words’.
Kung sinong talaga ang dalawang mayor
na ‘subject’ ng ating regular na ‘column’
di ko muna dapat ihahayag sa ngayon
ang pangalan n’yan at ibang impormasyon.
Saka na lang kapag naisumite na
sa Ombudsman itong kaso ng dalawa,
upang ang ‘prejudgment’ o ‘trial’ kumbaga
‘by publicity’ ay maiwasan muna.
At saka na nga lang kapag naisalang
na sa ‘bar of justice’ o sa ‘ting Ombudsman,
nang sa gayon ating ganap maiwasan
ang anumang bagay na di karampatan!
Pasasaan ba at hindi ang totoo
ang mamanaig sa usaping ganito,
na pareho pa manding ngang maginoo
itong sa ngayon ay ‘talk’ na ng tsismoso!
Kilala tayo sa pagiging tahimik
na manunulat at walang tanging hilig
kundi ang magsabi ng totoo’t bakit
di ako takot sa tigri at kuliglig!